‘Ika-6 na utos’ muling mapapanood

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

SA mga tanong ng netizens tungkol sa bagong programmin­g ng GMA Network, nag-release na sila ng schedules nila ng kanilang teleseryes, sa Afternoon Prime at sa Primetime Telebabad.

Kahapon, Monday, March 16, at hanggang ngayong Tuesday, March 17, regular pa ring mapapanood sa hapon ang Eat Bulaga, Magkaagaw, Bilangin ang Bituin sa Langit at Wowowin. Sa gabi naman, 24 Oras, Descendant­s of the Sun, Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, Love of My Life, at The Last Empress.

Simula bukas, Wednesday, March 18, may changes na ang schedule. Wala nang Magkaagaw nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales, papalitan muna ito ng Ika-6 Na Utos nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, Ryza Zenon at Angelika dela Cruz sa hapon. At sa primetime, wala na ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Dina Bonnevie at Snooky Serna. papalitan muna ito ng Kambal Karibal nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Alfred Vargas at Carmina Villaroel.

Mapapanood pa ang Descendant­s of the Sun sa Wednesday evening, pero Huwebes, papalitan na ito ng Encantadia 2 na request din ng mga netizens na muling mapanood, hanggang sa muli nang makapag-taping ng mga bagong episodes ang “Descendant­s of the Sun.” From time to time, magbibigay ang GMA Network ng updates sa pagbabago ng schedules ng mga shows nila.

Wala namang pagbabago ang iba pang mga programa ng GMA News and Public Affairs simula sa umaga hanggang sa gabi, para magbigay ng mga pinakahuli­ng ulat, lalo na sa binabantay­ang CONVID-19.

Ryza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.