Bayad sa Meralco bills, extended ng 30 araw

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Magkakaloo­b ang Manila Electric Company (Meralco) ng 30-day extension para sa pagbabayad ng bills ng kanilang mga kostumer na apektado ng ipinatutup­ad na enhanced community quarantine ng pamahalaan sa Luzon.

Sa inilabas na costumer advisory ng Meralco, sakop ng payment extension ang mga tahanang ang bills ay may due date na mula Marso 1 hanggang Abril 14, 2020.

“Meralco is one with the country in its efforts to contain COVID-19 (coronaviru­s disease 2019),” paabiso ng Meralco.

“Thus, for all Meralco bills due from March 1 to April 14, 2020, we are providing a 30-day payment extension from your due date.”

Maaaring gamitin ng mga kostumer sa pagbabayad ng kanilang bills ang Meralco Online, Meralco App at kanilang mga partner online portals.

Sinabi rin ng Meralco na ipinagpali­ban na rin nila ang kanilang mga maintenanc­e activities sa buong panahon ng community quarantine upang matiyak amg patuloy na serbisyo ng kuryente sa Luzon, partikular na sa medical facilities na nangangail­angan nito ngayong nahaharap sa krisis ang bansa.

“Lahat din ng mga maintenanc­e activities ay ipagpapali­ban muna, unless necessary, to ensure we are #KeepingThe­LightsOn for all our customers in these trying times,” dagdag pa ng Meralco.

Pinayuhan ng Meralco ang mga kostumer na sakaling magkaroon ng emergency at kung mayroon silang mga katanungan ay maaari silang kontakin ng mga ito sa kanilang Facebook at Twitter accounts, gayundin sa kanilang website at sa Hotline 16211.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.