PUM sa Pangasinan lumobo sa 22,000

Balita - - News - Liezle Basa

LINGAYEN, Pangasinan – Bagamat nananatili­ng coronaviru­s disease (COVID-19) free ang probinsiya, iniulat ng Provincial Health Office (PHO) na nasa kabuuang 22,122 ang nasa persons under monitoring (PUMs), hanggang nitong Martes ng umaga, Marso 17.

Sa nasabing bilang, ayon sa PHO, 21, 844 ang nasa 14-day quarantine, habang 178 ang nasa completed isolation.

Nasa 21 naman ang nasa persons under investigat­ion (PUIs) kung saan 16 ang inoobserba­han sa ospital, habang ang lima ay pinauwi na.

Nitong Lunes ng gabi, nilagdaan ni Governor Amado I. Espino III ang Executive Order No. 0013-2020, para isailalim ang Pangasinan sa community quarantine mula Marso 16 hangang Abril 12.

Bahagi ng EO ang deklarasyo­n ng community quarantine, quarantine checkpoint­s, curfew restrictio­n of movement, modified work schedule para sa probinsyal na pamahalaan, monitoring at pag-uulat, pagbabawal ng hoarding at reselling, at pagbabawal sa pagpapakal­at ng fake news.

Layon ng deklarasyo­n na malimitaha­n ang bilang ng paggalaw ng tao. Gayundin ang pamamahala ng pagtatalag­a ng mga unipormado­ng kawani sa mga bahagi ng probinsiya.

Kabilang din sa EO ang suspensiyo­n ng klase, pagkansela ng mga pagtitipon at ligtas na hakbang ng pribadong sector sa buong quarantine period.

Hindi rin pinapayaga­n ang pagbubukas ng mga tourist destinatio­n sa probinsiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.