Magdasal sa gitna ng COVID-19 outbreak

Balita - - Opinyon -

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lune sang mga kapwa niya Pilpino na hingin ang patnubay at tulong ng Panginoon, sa gitna ng banta na dala ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Sa isang televised address to the nation, binigyang diin ni Duterte na ang pagdarasal ang pinakamain­am na sandata ng bawat isa upang malabanan ang COVID-19.

“I solemnly urge everyone to pray to the Almighty God who has the power to defeat every enemy, visible or invisible. Even as we maintain physical distance from each other, let us remain (strongly) united in spirit to fight this dreaded disease. And with our unity and the blessing of God, we shall overcome,”anito.

Nitong Lunes ng gabi, isinailali­m ni Duterte ang buong Luzon sa “enhanced” community quarantine hanggang Abril 12, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, na umakyat na sa 142.

Sa ilalim ng implementa­syon ng “enhanced” community quarantine lahat ng tahanan ay kailangan sumunod sa “strict” home quarantine at ang kanilang paggalaw ay dapat na maging limitado lamang para sa mga pangunahin­g pangangail­angan, ayon sa Palace memorandum na nilagdaan nitong Lunes.

Sa ilalim rin nito, ipinatutup­ad ang mahigpit na regulasyon sa probisyon para sa pagkain at essential health services, at ang pinalakas na prisensiya ng mga uniformado­ng kawani upang magpatupad ng quarantine procedures. Suspindido rin ang transporta­syon sa buong Luzon.

Tanging ang mga indibiduwa­l na na may mahalagang tungkulin para sa serbisyo, tulad ng mga sundalo, pulis, mangagawa ng pamahalaan, health workers, at iba pa ang papayagang ma-exempt sa “enhanced” community quarantine.

Nakiusap si Duterte sa kanyang mga kababayan na ipagdasal ang mga nasa frontline upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Pray for all doctors and health profession­als and workers. Pray for your government. Pray for the country,”anito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.