Rondina, asam ang ginto sa Vietnam SEAG

Balita - - Sports - Marivic Awitan

SA loob ng dalawang taon, hindi muna makikita ang husay at kayumihan ni Sisi Rondina sa indoor volleyball.

Target ng 30th Southeast Asian Games beach volleyball bronze medalist na ituon ang atensyon at lakas sa beach volleyball upang maihanda ang sarili sa target na makamit ang gintong medalya sa biennial meet sa 2020 sa Vietnam.

“Sa ngayon pahinga muna ako sa indoor, two years ako eh, hanggang sa SEA Games 2021 kaya sobrang focused muna ako sa beach volley,” pahayag ng four-time UAAP beach volleyball champion at Most Valuable Player.

Iginiit ni Rondina na mahigit isang buwan nang hindi siya naglalaro sa kompetitib­ong liga sa indoor volleyball. Huling naglaro si Rondina sa indoor volleyball sa koponan ng Petron sa Philippine Superliga ilang buwan bago anbg SEA Games nitong Disyembre.

Sinandigan ng pamosong Cebuana, UAAP Season 81 Athlete of the Year, ang University of Sto. Tomas sa runner-up finish sa nakalipas na taon, ang huling year sa liga kung saan nakamit din niya ang MVP award.

“Wala akong indoor, like wala talaga. Zero talaga ko ngayon, hindi na nga ako marunong mag-indoor eh,” pahayag ng 27-anyos na si Rondina, tinanghal na Miss Volleyball ng Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA). “Kasi pino-focus ko and sobrang training na nang training everyday sa beach volley. Ni minsan hindi ako nagindoor talaga.”

Kabilang si Rondina sa sinusundan ng crowd sa Beach Volleyball Republic na pansamanta­la ring kinansela ang leg event sa Puerto Princesa, Palawan dahil sa COVID-19 virus.

“Ang alam ko may internatio­nal din and hopefully this April 8 to 11 FIVB one star sa Thailand,” aniya. “May mga internatio­nal kami pero nagkakapro­blema lang because of COVID-19.”

“Pero we’re still hoping pa na makalabas kami kasi yun naman ang reason ba’t kami nag-full time talaga para mas matutukan namin yung beach volley and makakuha ng technique sa internatio­nal and makalaban yung mga nagfo-four star,” sambit ni Rondina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.