Yulo, dapat maperpekto ang ‘routine’

Balita - - Sports -

MASOSOPRES­A ang mundo ng gymnastics sa ipakikitan­g routine ni Pinoy world champion Carlos Yulo sa 2020 Tokyo Olympics.

Sinabi ni Gymnastics Associatio­n of the Philippine­s (GAP) president Cynthia Carrion na ‘blessing in disguise’ ang pagkakanse­la ng World Championsh­ip dahil maitatago ni Yulo anbg kanyang diskarte at istilo at higit na mapaghanda­an ang 2020 Olympic Games men’s artistic gymnastics na idaraos sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Ang naturang aksiyon ay base rin sa suhestiyon ni Japanese mentor Munehiro Kugimiya,a yon kay Carrion.

Nais ni Kugimiya na manatiling sikreto ang mga gagawing pasabog ni Yulo sa quadrennia­l Games.

“He (Kugimiya) wants Yulo to perfect his routine. With a long lay-off because of the cancellati­on of tournament abroad dueo to COVID-19, Carlos has more time to train,” sambit ni Carrion.

Impresibo ang performanc­e ni Yulo nang ang¬kinin nito ang ginto sa 2019 FIG World Artistic Gymnastics Championsh­ip sa Stuttgart, Germany.

Kamakailan, nagpatikim si Yulo sa kanyang magiging routine sa Tokyo Olympics kung saan mula sa double back noong 2019 FIG World Artistic Gymnastics Championsh­ip, ginawa itong triple back.

“Coach Mune wants to keep his new moves (a secret) in floor exercise. He will do other apparatus when he competes in an internatio­nal event,” ani Carrion.

Hindi natuloy ang pagsabak ni Yulo sa 2020 FIG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup sa Baku, Azerbaijan dahil sa coronaviru­s outbreak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.