Black at Canete, pumirma ng kontrata sa Bolts

Balita - - Sports - Marivic Awitan

BAGO pa man napagdesis­yunan ng Board na pansamanta­lang kanselahin ang mga laro sa PBA bunsod ng COVID-19, nakumpleto ng Meralco ang 15-man line up matapos mapapirma ng kontrata sina rookie draftees Aaron Black at Michael Canete para sa seasonopen­ing Philippine Cup.

Ipinahayag ni Team manager Paolo Trillo na lumagda ng isang taong kontrata nitong nakalipas na Linggo ang dalawa para maglaro sa Bolts.

Napili si Black, anak ni Meralco coach Norman Black, bilang second round (18th overall) sa nakalipas na drafting, habang si Canete ay third-round selection at No. 29.

Dahil dito, ang Blacks ang magiging kaunaunaha­ng ‘father and son’ tandem sa isang koponan mula nang maging coach si dating MVP Ato Agustin para sa anak na si Marc Agustin sa Petron noong 2012 Commission­er’s Cup.

Hindi matatawara­n ang kasikatan ng fatherand-son tandem nina cage great Robert Jaworski Sr. at anak na si Dudut Jaworski sa Ginebra San Miguel noong dekada 90. Nagkampeon sila sa 1997 Commission­er’s Cup.

Una rin sa kasaysayan ng PBA ang tandem nina Black at stepson na si Chris Tan, kung saan nagkampeon­s ila sa Sta. Lucia Realty noong 2001 Governors Cup. Si Tan ay bahagi rin ng Meralco coaching staff.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.