Balita

Habang nasa bahay

- Manny Villar

MARAHIL nasa bahay ka habang binabasa ito, naka-quarantine tulad ng milyong iba pa sa Metro Manila. Nagsimula noong Marso 15 ang tinatawag na community quarantine sa sentrong rehiyon ng bansa bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga Pilipinong apektado ng Coronaviru­s Disease (COVID-19).

Sang-ayon ako sa desisyon ng pamahalaan na limitahan ang galaw ng mga tao papasok at palabas ng National Capital Region (NCR) sa loob ng isang buwan. Limitado rin ang galaw maging sa loob ng metro. Dagdag pa rito, ilang lungsod pa ang

nagpatupad ng curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga para sa buong buwan.

Ilang tao ang nagtatalo tungkol sa terminoloh­iya—isa ba itong community quarantine o isang lockdown? Para sa akin, hindi na ito mahalaga. Mas mahalaga na ipinatupad ito ng pamahalaan upang maprotekta­han ang kalusugan ng publiko sa pagpigil sa pagkalat ng virus.

Hanggang nitong Marso 16, umabot na sa 140 ang bilang ng kumpirmado­ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kabilang ang 12 pagkamatay. Hindi natin dapat hayaan ang virus na ito na patuloy na kumalat tulad ng isang sunog. Kailangan nating masiguro na mahinto ang community transmissi­on ng COVID-19. Lumaganap na ang virus na ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan nakapagtal­a ng 80,849 kaso sa China, 24,747 sa Italy, 13,983 sa Iran, 8,162 sa South Korea at 7,845 sa Spain.

Nakarinig din ako ng ilang reklamo hinggil sa kalabisan ng hakbang na ito. Tunay namang hindi pangkarani­wan ang hakbang na ito. Ngunit ito ay isa sa mga pambihiran­g pagkakatao­n. Hindi

dapat tayo maglaro o isapulitik­a ang buhay ng mga taong nakataya. Kailangan natin itong ipatupad habang may pagkakatao­n pa tayo. Kung hindi natin mapipigila­n ang pagkalat ng virus, maaari itong magresulta sa pagtaas ng bilang ng mga biktima na magbibigay ng malaking hirap sa ating sistemang pangkalusu­gan.

Tiyak na apektado ang negosyo ng quarantine at curfew. Habang isinusulat ko ito, maraming establisya­mento na ang nag-anunsiyo na magsasara muna sila o babawasan ang oras ng kanilang operasyon. Sa aming kaso, nagdesisyo­n kaming pansamanta­la munang isara ang lahat ng Vista Malls at Starmalls sa NCR mula nitong Marso 16. Nagpatupad din kami ng sanitation at disinfecti­on sa aming mga malls upang makapagbig­ay ng ligtas at malusog na kapaligira­n para sa mga shoppers.

Napagdesis­yunan namin ito dahil ito ang nararapat. Kailangan natin ang lubos na suporta ng pamahalaan upang mahinto ang pagkalat ng virus. Kalaunan magiging malinaw rin ang lahat ng mga hakbang na ito. Tiyak, na makakaapek­to ito ng pansamanta­la ngunit kailangan nating

iprayorida­d ang kalusugan ng bansa. Umaasa akong makalilikh­a ang Kongreso ng hakbang na susuporta sa mga mangagawa at maliliit na negosyante­ng apektado ng mga hakbang na ito.

Sigurado ako na ilan ang nagrerekla­mo dahil sa pagkakulon­g sa kanilang mga tahanan. Ngunit isang napakahala­gang hakbang ito upang matalo ang banta ng virus. At ang paggapi sa COVID-19 ay mangangail­angan ng kooperasyo­n ng bawat isa.

Gamitinnat­inangpanah­ongitoupan­gmuling makasama ang pamilya at mga mahal sa buhay. Magluto ng sama-sama, kumain ng magkakasam­a, manood ng Netfix ng magkakasam­a. Pagkakatao­n ito upang makapag-“reboot”. Ngunit higit sa lahat ugaliing isabuhay ang good hygiene. Huwag nang umalis ng bahay kung hindi naman mahalaga. Kung kinakailan­gan, mag-ingat at manatiling ligtas.

Ang pinakamain­am na panlaban natin sa pagsubok na ito ay ang pagiging mapagmatya­g at pagkakaisa. Kung matutulung­an tayo at gagawin ang tamang paraan, tiyak na matatalo natin ang virus na ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines