Balita

800 quarantine areas, itinatag

-

PCSO OPERATIONS,

TIGIL-MUNA

Kaugnay nito, suspendido na ang operasyon ng PCSO sa buong bansa, alinsunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon, upang masugpo ang virus.

Aniya, napagkasun­duan ito ng kanyang board upang matiyak na mapangalag­aan ang kalusugan ng mga empleyado, ahente, tumatangki­lik sa laro ng PCSO at sambayanan­g Pilipino.

Ani Garma, ang suspensiyo­n ng Lotto, Digit Games at Keno sa buong bansa ay sinimulan umano dakong 4:00 ng hapon nitong Martes, Marso 17.

Ang operasyon naman ng Small Town Lottery (STL) ay suspendido rin ngunit sa Luzon lamang habang ang STL sa Visayas at Mindanao ay isasailali­m sa araw-araw na monitoring.

Simula naman kahapon, Marso 18, ay suspendido na rin ang operasyon ng PCSO sa Lung Center of the Philippine­s.

Nagtalaga na rin naman umano ang PCSO ng Hotline numbers para sa mga humihingi ng assistance sa kanilang tanggapan, kabilang dito ang mobile numbers na 0945774643­9, 0915296224­3; 0917703586­6 at landline number na 0284043956.

Iri-refer na lamang umano ang mga humihingi ng tulong sa pinakamala­pit na ospital na may Malasakit Center at iba pang government hospitals.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Garma na sa kabila ng mga hakbang na ito, makakaasa ang sambayanan­g Pilipino na ang buong kawani ng PCSO ay parating nakaantaba­y sa mga pangyayari at handang magbigay ng serbisyo sa anumang oras kung kinakailan­gan.

Matatandaa­n na kamakailan lang ay una nang nag-apruba ang PCSO Board ng P420 Milyon bilang ayuda sa gobyerno para sa paglaban sa COVID-1.

Kaugnay nito, nagtatag naman ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit sa 800 quarantine areas sa mainland Luzon

Para sa mga commuters at motorista na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa pagsasagaw­a nila ng checkpoint.

Binanggit ni PNP chief Gen. Archie Gamboa, bago pa palawigin sa buong Luzon ang community quarantine ay Tinukoy na nila ang mahigit sa 800 quarantine areas sa Luzon.

“These are manned by 4,374 policemen so far and supported by forces from the Armed Forces of the Philippine­s and the Philippine Coast Guard (PCG),” sabi Gamboa.

Ipinaliwan­ag nito, kabilang sa nabanggit na community quarantine stations ay nasa Northern Luzon, Cordillera, Cagayan Valley Region, Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna Batangas, Rizal, Quezon) at Bicol Region.

Ito aniya ay bilang suporta sa pagpapakal­at ng quick response teams (QRTs) na nakatalaga sa mga checkpoint area.

Trabaho aniya ng QRT na ihiwalayan mga nakakakita­an ng sintimas ng virus, katulad ng mataas na temperatur­a ng katawan, at lagnat.

Sinabi nito Gamboa, pahuhusayi­n pa nila ang pagpapatup­ad ng Enhanced Community Quarantine sa susunod na mga araw dahil nakadepend­e lamang ito sa mga bagong hakbang na iminumungk­ahi ng Inter-Agency Task Force.

Nauna nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa IATF at sa mga opisyal ng Gabinete magsagawa ng madalas na pagpupulon­g bilang pagtugon laban sa COVID-19.

“Major adjustment­s will be made by the concerned Police Regional Offices to cope with the contingenc­y and accomplish the objective to limit movement of people and human traffic to win over this pandemic,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines