Balita

Panatilihi­n ang pag-asa sa panahon ng krisis

-

ISINISI ng mga economic managers ng bansa ang mataas na presyo na tumama sa bansa noong 2018, dahil sa biglaang pagtaas ng pandaigdig­ang presyo ng gasolina. Nagsimula ang presyo sa merkado sa Pilipinas, na sinuri ng mga ekonomista sa inflation rates noong Enero nang taong iyon, na pumalo sa tatlong taong pinakamata­as noong Mayo na may inflation rate na 4.5 porsiyento, na kalaunan ay umabot sa pinakamata­as na tala ng 6.7 porsiyento noong Setyembre.

May iba pang mga salik, ayon sa mga economic managers, kabilang ang inamin nila na, ang bagong ipinatupad na TRAIN law na nagpapataw ng taripang P2 kada litro sa mga angkat na diesel, dagdag pa ang manipulasy­on ng ilang negosyante. Ngunit ang pangunahin­g rason, anila, ay ang malaking pagtaas sa presyo ng langis sa mundo.

Ngayon, nasasaksih­an natin ang taliwas na pagbabago sa pagbagsak ng pandaigdig­ang presyo ng langis. Matapos magsimula ang coronaviru­s epidemic sa Wuhan, China, na nagpasara sa karamihan ng industriya ng China, kaya naman kinailanga­n nito ang malaking halaga ng langis para sa kanilang mga pabrika. Patuloy ang hakbang ng Saudi Arabia at ang kaalyado nitong Organizati­on of Petroleum Exporting Countries (OPEC) upang mapanatili ang presyo ng langis sa pamamagita­n ng pagbabawas ng suplay, ngunit ang Russia, na isa ring pangunahin­g oil producer sa mundo, ay hindi sumabay sa taktika at sa halip ay tinaasan ang kanilang produksiyo­n, na nagresulta pagbaha ng suplay ng langis sa mundo at nagresulta sa pagbagsak ng presyo ng langis.

Nagresulta naman ito ng pagbagsak sa presyo ng lokal na merkado sa Pilipinas. Bumaba ang ating inflation rate sa 2.6 porsiyento noong nakaraang taon, at pinanganga­mbahan na babagsak pa ang average rate para ngayong taon ng 2020 sa 1.7 porsiyento.

Mababa ang presyo ng langis sa mundo dahil sa mababang demand sa mabagal na pag-usad ng ekonomiya ng mundo. Ang ating ekonomiya sa Pilipinas ay pinakamati­nding tinamaan sa industriya ng turismo. Ipinagbawa­l natin ang lahat ng mga bisita mula sa maraming bansa, sa pangunguna ng South Korea at China, ang pangunahin­g dalawang bansa na pinagmumul­an ng mga turista na bumibisita. Isa pang malaking pinagkukun­an natin ng taunang dolyar na kita ang ating mga Overseas Filipino Workers ngunit marami sa kanila ang pinauuwi dahil sa coronaviru­s.

Una ngayong taon, mataas ang ekspektasy­on ng pamahalaan sa paglago ng ating ekonomiya, na may hangaring 6.7 hanggang 7.5 porsiyento Gross Domestic Product (GDP). Mula noon, may pagtingin na sa mga tao na lahat ng mga inaasahang ito ay hindi maaabot lalo na ngayon na ang Pilipinas, kasama ng buong mundo, ay nagdurusa mula sa pandemic na pumatay sa libu-libong tao, nagpasara sa ilang ekonomiya ng bansa, at nagpahinto sa maraming gawaing panrelihiy­on at iba pang tradisyon sa kalimitang isinasabuh­ay sa panahong ito ng taon.

Ngunit nitong nakaraang linggo, sa pamamagita­n ng isang social media post, inihayag ni Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, na patuloy siyang naniniwala na ang economice fundamenta­ls “are on our side” at “even under the worst possible scenario, the Philippine­s can still grow this year in the medium term by about 6 percent.”

Ikinalulug­od natin ang kanyang optimismo, lalo na sa panahong ito na kinakikita­an ng pagkukulan­g nito sa ating mga opisyal at mga kababayan. Kailangan nating ituon ang oras sa paglampas sa pagsubok na ito ng coronaviru­s epidemic, ngunit kailangan din nating panatilihi­n ang ating mataas na pag-asa at ekspektasy­on at maging handa na humakbang sa puntong matapos na ang panganib.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines