Sharon, napathrowb­ack ng kanyang payat days

Balita - - Front Page - Ni NITZ MIRALLES

NAG-POST ng throwback photos si Sharon Cuneta noong payat pa siya at kaya pang magsuot ng tanga. May kasamang kuwento si Sharon kung bakit siya pumayat, kaya hindi maiwasang mag-react ang mga nakabasa.

“Oh my gosh! Bigla ko na naman nakita lang sa Youtube ito. Ang tagal ko na hinahanap yung full episode nito but TSCS was still with IBC-13 then before ABS-CBN pirated us from them! This was just after my marriage fell apart. Revenge body. Hahaha! Yung belt pinahiram ng isang dancer ko sa akin and it was made of stretch material kaya nakakainis para akong may bilbil when halos buto buto na ako dyan! I was around 115-118 lbs. In Pasan Ko Ang Daigdig, the movie I shot before this, and during which naghiwalay kami, I hit my lowest weight of 109! Eh 5’6” ako. At least I was kasi I think as you age you shrink and I think I shrunk! Nooooo!!! LOL. Well, here’s a peek of that dance number choreograp­hed by the one and only Douglas Nierras who is an Institutio­n in the dancing field, and once my teacher. Hope you enjoy kahit short! Thank you to Doings Yan Sha Cel Channel on Youtube at natisod ako dito!

P.S. Oo chance ko na sabihin ito- long-legged ako!!! “

Anyway, may magandang balita kina Sharon at KC Concepcion dahil mukhang nagkaayos na ang mag-ina. Pinost kasi ni Sharon ang plugging ng vlog ni KC na “The KC Diaries” na ikinatuwa ng supporters ng mag-ina.

Nilagyan ni Sharon ng caption na “Baby #1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her. #stillmybab­ynomatter what #unconditio­nally #iloveyouno­wandforeve­r #onlyonemom­syforever @ itskcconce­pcion.”

Sumagot si KC ng “Thank you, Mama” na sinagot ni Sharon ng “@ itskcconce­pcion You are welcome. I love you no matter what. That will never change.”

Ang positive ng comments na nabasa namin at sana nga, hindi na uli magkaroon ng conflict ang magina para hindi na malungkot ang kanilang supporters.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.