Katoliko sa buong mundo, nag-rosaryo

Balita - - News -

VATICAN CITY (Reuters) - Nakiisa ang mga Katoliko sa buong mundo kay Pope Francis sa pagdarasal ng rosaryo nitong Huwebes ng gabi para hilingin sa Diyos ang pagtatapos ng coronaviru­s pandemic, na pumatay ng mas maraming tao sa Italy kaysa saanmang sulok ng mundo.

Hiniling ng obispo ng Italy sa mga Katoliko sa banss na dasalin ang rosary sa kanilang mga tahanan simula 9 p.m. at maglagay ng nakasindin­g kandila san kanilangcm­ta bintana bilang senyales ng pambansang pagkakaisa.

Kumalat ang inisyatiba sa social media matapos ipahayag nitong unang bahagi ng linggo at maraming Katoliko sa buong mundo ang nakiisa.

Si Pope Francis, na nakahiwala­y sa Vatican at nagsasagaw­a ng kanyang general audiences sa internet sa halip na sa harap ng St. Peter’s Square, ay nag-broadcast ng video message sa television sa pagsisimul­a ng mga panalangin.

“In this unpreceden­ted situation, when everything seems to be vacillatin­g, let us help each other remain steady in what really matters,” aniya.

Noong nakaraang Linggo, lumabas si Pope Francis sa deserted Rome para manalangin sa dalawang shrines para sa pagtatapos ng coronaviru­s outbreak.

Ang bilang ng mga namatay sa Italy dahil sa coronaviru­s ay nalagpasan na ang China, kung saan unang lumutang ang virus, habang naghahanda ang gobyerno sa prolong emergency lockdown measures.

Kabuuang 427 namatay ang nakarehist­ro sa Italy sa nakalipas na 24 oras, dinala ang nationwide tally sa 3,405 simula nang lumutang ang outbreak noong Pebrero 21. Naitala ng China ang 3,245 namatay simula noong unang bahagi ng Enero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.