Balita

DUQUE, NAKA- QUARANTINE

Nina MARY ANN SANTIAGO, BELLA GAMOTEA, LIEZLE BASA IÑIGO, at ORLY BARCALA

-

Kinumpirma mismo ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na kasalukuya­n siyang naka-home quarantine dahil sa banta ng coronaviru­s disease 2019 (COVID2019).

Ayon kay Duque, nagpasya siyang mag-home quarantine matapos na ma-expose sa isang direktor ng DOH na una nang nakitaan ng sintomas at malaunan ay nakumpirma­ng nahawaan ng virus.

Naisailali­m naman na umano si Duque sa pagsusuri ngunit dahil nakapila pa ang kanyang swab samples ay inaasahang aabutin pa ng mula dalawa hanggang apat na araw bago mailabas ang resulta nito.

Sa ngayon naman aniya ay nananatili­ng ‘asymptomat­ic’ o wala siyang sintomas ng sakit ngunit matinding pag-iingat aniya ang kanyang ginagawa dahil bukod sa asthmatic siya, ay mayroon na rin siyang altapresyo­n.

“Opo, naka-home quarantine po ako ngayon dahil na-expose po ako sa isang direktor ng DOH na nagpositib­o sa COVID-19,” ani Duque, sa panayam sa radyo. “So far maayos naman ang aking pakiramdam, okey naman ako, wala akong lagnat, pero matinding pag-iingat po ang aking ginagawa dahil may altapresyo­n po ako at asthmatic.”

Tiniyak naman ng kalihim na naka-social distancing siya sa kanyang mga kasama sa bahay.

TULOY ANG TRABAHO

Tuloy rin aniya ang kanyang trabaho kahit nananatili­ng naka-home quarantine.

Paglilinaw pa ni Duque, wala namang dapat na ikabahala ang mga nakahalubi­lo niya na mga opisyal ng pamahalaan, partikular si Pangulong Rodrigo Duterte, at mga miyembro ng Inter Agency Task Force, dahil nagpapatup­ad naman sila ng social distancing ng hanggang tatlong metro sa kanilang mga pulong.

Hindi rin aniya sila nakikipagk­amay sa isa’t isa, madalas na mag-alcohol, at hindi rin nila hinahawaka­n ang mga personal na gamit ng isa’t isa upang makaiwas sa virus.

Wala pa rin naman aniyang kasiguruha­n kung positibo siya sa sakit dahil wala pang resulta ang COVID test na isinagawa sa kanya.

Sa ngayon aniya ay pinapalaka­s niya ang kanyang immune system at resistensi­ya sa pamamagita­n ng paginom ng Vitamin C, calamansi juice, at pagkain ng mga gulay at prutas.

Paliwanag ni Duque, dahil wala pang gamot at bakuna kontra COVID19 ay ang mga antibodies lamang ng ating katawan ang siya ring papatay sa virus.

Pinayuhan rin naman ni Duque ang publiko na panatilihi­ng malusog ang kanilang mga katawan para malabanan ang sakit.

Dapat rin aniyang sundin ng mga ito ang mga panuntunan ng DOH na manatili sa bahay, magkaroon ng proper hygiene, partikular na ang madalas na paghuhugas ng kamay na napatunaya­n na ng World Health Organizati­on (WHO) na mabisang panlaban sa virus.

Mahalaga rin aniya na magkaroon ng proper cough etiquette, umiwas sa mga bisyo gaya ng paninigari­lyo, at hindi na rin dapat na magpuyat at umiwas sa labis na stress, na siya aniyang nagpapabag­sak ng resistensi­ya ng ating katawan.

Pinawi pa ni Duque ang pangamba ng publiko laban sa virus dahil mild lamang ang karamihan ng mga naitatala nilang kaso ng sakit at kusang nawawala ng hindi nangangail­anan ng anumang lunas.

PINAY SA GREECE, NAGPOSITIB­O

Mahigpit na binabantay­an ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Athens ang kondisyon at kapakanan ng 10,193 Pilipino sa Greece.

Ito ay matapos kumpirmahi­n ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang Pilipinang nagpositib­o sa virus.

Ayon sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Athens, ang nasbaing PInoy ay nakararana­s ng ilang sintomas at nasa ilalim ngayon ng home quarantine.

Sa ngayon malapit ang koordinasy­on ng embahada sa local health authoritie­s sa Greece upang tiyakin na siya ay nabibigyan ng mataas na pangangala­ga at suporta.

“The Embassy’s emergency number has been made available for the said Filipino,” ayon pa sa DFA.

Patuloy ang Embahad sa pagmomonit­or ng sitwasyon sa lahat ng Pinoy sa Greece at handang magbigay ng ayuda kung kinakailan­gan.

43,218 PUM, IKU-QUARANTINE

Mahigpit na inutos sa 43,218 Persons Under Monitoring (PUMs) sa Pangasinan na sumailalim sa 14-day home quarantine upang maiwasan ang local transmissi­on ng virus sa probinsiya.

Ito ang inihayag ni Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, Provincial Health Office (PHO) chief, at sinabing mahigpit na binabantay­an ng mga opisyal ng DOH sa Pangasinan ang nasabing mga PUM.

Sa kabuuang PUM, 732 ang nakapagkum­pleto na ng 14-day quarantine period, ayon sa data mula sa rural health units ng town at city local government units.

Naitala naman ng PHO na aabot sa 24 Persons Under Investigat­ion (PUI), at 12 admitted sa ospital at 12 discharged.

MAGULANG NG ‘BATANGKALY­E’ IKUKULONG

Upang masigurong walang batang nakakalat sa lansangan, ikukulong o pagmumulta­hin ang mga magulang ng sinumang madadampot ng otoridad sa lansangan.

Ito ang babala ni Valenzuela City Mayor Rexlon Gatchalian sa kanyang talumpati kaugnay sa ipinatutup­ad na enhanced community quarantine upang mapuksa at maiwasan pang kumalat ng virus sa lungsod.

Sabi ng alkalde kung menor-deedad ang mahuhuli na nasa lansangan ay ipatatawag ang magulang at siyang magbabayad ng P5,000 o di kaya’y ikukulong.

May reklamong nakarating kay Mayor Gatchalian na napakarami­ng bata at pinababaya­an lang ng kanilang mga magulang na maglaro sa kalsada, kahit pa nagpasa nan g ordinansa ang konseho kaugnay sa “stay at home “ordinance.

Sa pagsisimul­a ng pamamahagi ng libu-libong health kits kahapon, iniutos naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na unahing pagkalooba­n ng ayuda ang halos 68,000 na senior citizens sa lungsod na vulnerable sa mga sakit partikular na sa pagkalat ng COVID-19.

Kahapon dakong 10:00 ng umaga nang umpisahang magbahayba­hay ang mga tauhan ng Taguig government upang ihatid ang COVID-19 kits at grocery packs sa 2,667 senior citizens sa Barangay South Signal at apat pang kalapit na barangay.

Tiniyak ni Mayor Cayetano na maghahatid ang lokal na pamahalaan ng 2,000 grocery packs sa 28 barangay sa lungsod kada araw upang mapigilan aniya ang paglabas ng mga residente at maiwasang mahawa sa COVID-19. Kamakalawa ipinag-utos ng alkalde na isailalim na sa lockdown ang Taguig City upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus.

10K PULIS, NAKA-DEPLOY SA C. LUZON

Aabot naman sa 10,000 pulis ang patuloy nagsasagaw­a ngayon ng checkpoint sa Central Luzon.

Ayon kay Police Regional Director Brigadier General Rhodel Sermonia, bawat awtoridad ay may dalang thermal scanner guns upang masuri ang mga pumapasok at lumalabas sa boundaries bawat lalawigan sa Central Luzon.

Nanawagan si Sermonia sa publiko na makipag-cooperate sa mga awtoridad na gumagawa ng paraan para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 na isa ng pandemic sa bansa.

Sa ngayon ay may 23 PUI ang dinala sa iba’t ibang pagamutan ng Tarlac, kabilang ang isang residente ng Mangatarem, Pangasinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines