Pampalipas oras sa gitna ng community quarantine

Balita - - Opinyon - Ni MERCY LEJARDE

NITONG nakaraang March 15, ang opisyal na unang araw ng mandatory community quarantine sa buong Metro Manila at ilang parte ng bansa at gaya ng problema ng nakararami ay kung paano nga ba gagawing makabuluha­n ang mga sandali na pananatili sa kani-kanilang tahanan.

Nagbahagi ng kaalaman kung paano maiiwasan ang paglaganap ng COVID-19 si Legal Wives star Alice Dixson sa kanyang social media.

Samantala, sa pag-e-exercise naman ginugol ng co-star ni Alice na si Megan

Young ang first day ng community quarantine kasama ang kanyang asawa na si Love of my Life star Mikael Daez.

Bukod kay Alice at Megan, abangan din sina Bianca Umali at Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kaabang-abang na kwento ng isang lalaki na may tatlong asawa sa Legal Wives.

Bilang doble pag-iingat na rin dahil nagdadalan­g-tao ang asawa na si Max Collins, naisipan ni First Yaya star Pancho Magno na sa paglilinis na lang ng kanilang tahanan gamitin ang kanilang oras.

Inaabangan na kasi ang first on-screen tambalan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Gabby Concepcion sa upcoming GMA series na First Yaya.

Hindi man makalabas ay nakahanap pa rin ng paraan ang Unang Hirit hosts na sina Joyce Pring at Juancho Trivino upang makapagsim­ba sa pamamagita­n ng online streaming.

Naaliw naman ang netizens kay The

Boobay and Tekla Show host na si Boobay kasama ang kaibigan nitong si Ate Guy nang i-recreate nila ang ilang classic Filipino films sa kanilang social media accounts.

Samantala, nakagawa naman ng online trend ang Queen of Creative Collaborat­ions na si Heart Evangelist­a kung saan dinedecora­te ng mga netizens ang kanilang face masks ng mga sosyal na decoration­s gaya ng branded ribbon at gem stones matapos mag-post si Heart ng kanyang face mask na may tatak na mamahaling brand.

Bukod sa paghihikay­at sa mga netizens na mag-face mask, pinili rin ni Heart na mag-relax at magpahinga na lang sa bahay kasama ang kanyang mga alagang aso.

Sa oras ng sakuna, tandaan na ang pagiging maingat at masunurin ang maglalayo sa atin mula sa kapahamaka­n. Yun na!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.