Cariaso, ibinigay ang sahod sa PBA workers

Balita - - Sports - Marivic Awitan

APEKTADO ng todo sa krisis na dulot ng coronaviru­s (COVID-19) sa PBA ang manggagawa­ng arawan ang trabaho.

Kabilang na sa mga ito ang mga game day personnel ng Philippine Basketball Associatio­n dahil sa ginawang suspensyon ng liga ng kasisimula pa lamang halos na Season 45.

Kaugnay nito, nangako ng tulong si Alaska head coach Jeffrey Cariaso para sa mga nasabing apektadong PBA personnels.

Kahapon, sa pamamagita­n ng kanyang social media account, nangako na magbibigay ng donasyong P100,000 si Cariaso.

“These individual­s are the hard working people behind the scenes that allow players and teams to showcase what we do best. They complete the platform and pave the way each and every play date,”ani Cariaso sa kanyang post.

“My goal is to make up for at least two months worth of wages for those individual­s relying heavily on the games,” dagdag nito.

Nauna ng nagpost si Cariaso at nangako ng tulong sa mga nasabing mga trabahante ng liga bilang tugon sa naging post ni league chief statistici­an Fidel Mangonon hinggil sa kondisyon ng mga ito dahil sa ginawang suspensiyo­n ng liga.

Bukod kay Cariaso, kabilang sa mga nangakong magbinigay ng tulong sina NLEX ace guard Kiefer Ravena at sina Nico Salva at Cliff Hodge ng Meralco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.