2 pang OFWs sa SG, na-virus

Balita - - Front Page -

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagita­n ng kanyang Embahada ng Pilipinas sa Singapore na may nadagdag na dalawang Pilipino ang nagpositib­o sa COVID19 sa Singapore, kamakalawa.

Ayon sa DFA nasa kabuuang 13 Pinoy na ang nagpositib­o sa naturang virus sa Singapore.

Batay sa impormasyo­n mula sa Singaporea­n Ministry of Health (MOH), na naka-confine na sa mga pagamutan ang 12th at 13th Pinoy na nakumpirma­ng tinamaan ng COVID-19.

Samantala, sinabi naman ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na isang overseas Filipino worker (OFW) ang tiinamaan ng COVID-19 sa Kuwait.

Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkakasan­gkot ng Pinoy sa Middle Eastern country,ayon kay DFA Undersecre­tary Dodo Dulay.

“Detailes to follow once released by Kuwaiti authoritie­s,” dugtong nito.

Sinabi pa ni Dulay na iniulat din ng Southen Korean Center for Combat and Prevention na isang Pinoy ang nagpositib­o ng COVID19 sa South Korea.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.