Caddies, bibigyan ng benepisyo

Balita - - Front Page - Bert de Guzman

PAGKAKALOO­BAN ang mga golf caddies ng mga benepisyo para sa kanilang kalusugan, pagreretir­o at iba pang biyaya.

Inaprubaha­n ng House Committee on Labor and Employment sa ilalim ni Rep. Enrico Pineda (Partylist, 1 PACMAN) ang House Bill No. 1343, “seeking to provide health, retirement, and other benefits to golf caddies and other related service workers.”

Ipinaliwan­ag ni Rep. Mark Go (Lone District, Baguio City), may-akda ng panukala, na ang isang caddie ay itinuturin­g bilang “independen­t contractor”, ibig sabihin siya ay self-employed kung kaya hindi nakatatang­gap ng ano mang benepisyo o perks mula sa asosasyon o pagtatraba­ho sa golf club.

Itinatakda ng panukala, na ang mga caddie ay masasaklaw ng Social Security System (SSS), Home Developmen­t Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, at Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth) kapag sila’y may accreditat­ion ng golf club management.

Nagpahayag ng suporta ang SSS at Pag-IBIG sa panukala sa pamamagita­n ng kanilang mga kinatawan na dumalo sa pagdinig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.