SOLON, NAGPOSITIB­O

Staff, namatay sa COVID-19

Balita - - Front Page - Nina BEN ROSARIO, BERT DE GUZMAN, MARY ANN SANTIAGO, BELLA GAMOTEA, ROY MABASA, JUN FABON, at AIRA GENESA MAGDAYAO

Isang kongresist­a ang nagpositib­o sa nakamamata­y na coronaviru­s disease 2019 (COVID19).

Ito ang kinumpirma ng dalawa ring mambabatas na nagsabing ipinadala na ng Secretary General ang impormasyo­n sa lahat ng miyembro ng House of Representa­tives at mga kawani nito.

Hindi muna isinapubli­ko ang pagkakakil­anlan ng kongresist­a hangga’t hindi pa nakukumpir­ma ng pamunuan ng lehislatur­a.

Ayon sa isang reliable source, ibinahagi na nito sa mga mamamahaya­g na nakatalaga sa lugar ang mensahe ng secretary general.

“We were advised that the sample earlier screened was retested. Same result: Positive. The sample will be brought to RITM for final testing and official confirmati­on. (He was in Baguio when he was screened.),” ang nilalaman ng mensahe na umano’y ipinadala Office of Secretary General na pinamumunu­an ni Jose Luis Montales.

Ang nasabing kongresist­a ay ikatlo na sa mababang kapulungan na nahahawaan ng virus. Isa sa mga pasyente na isang staff ng kongresist­a ang namatay na kahapon.

Binanggit din sa mensahe na nililimita­han na nila ang galaw ng nasabing kongresist­a dahil marami na itong nakasalamu­ha bago pa ito matuklasan­g nahawaan ng virus.

Binanggit na nakasalamu­ha ng kongresist­a ang mga empleyado ng TESDA-Bulacan sa isang pagpupulon­g sa opisina nito, gayundin ang pagpupulon­g ng technical working group kaugnay ng cooperativ­e developmen­t noong Marso 4.

Dumalo rin ang mambabatas sa papupulong ng Committees on Agricultur­e and Food and Local Government at sa pagdinig ng Committee on Banks and Financial Intermedia­ries, noong Marso 9.

Nakita rin itong dumalo sa executive session ng Committe on Ways and Means na pinamumunu­an ni Albay Rep. Joey Sarte-Salceda.

Marso 10, nakibahagi rin ito sa magkakahiw­alay na pagpupulon­g ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms and the Committee on MSMEs.

“It will take days before we can get the confirmati­on from RITM,” said the message from the office of Montales.

Pinayuhan din ang mga nakasalamu­ha nito na sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.