AUSTRALIAN NA-VIRUS DIN

Balita - - Balita -

Sa Palawan, kinumpirma naman ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang unang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ito ay nang ihayag ng alkalde na isang lalaking Australian ang natuklasan­g positibo sa virus matapos lumabas sa isang public hospital sa lalawigan.

Dumating aniya sa lungsod ang dayuhan noong Marso 7 at nagtungo sa Port Bayron.

Nitong Marso 13, isinugod ito sa ospital matapos lagnatin at nitong Marso 15 ay nagpunta ito sa Puerto Princesa City Internatio­nal Airport upang bumiyahe patungong Clark.

Gayunman, hindi ito nakaalis. Kinabukasa­n, nag-check in ito sa Hue Hotel hanggang sa makaalis ng bansa patungong Australia, sakay ng AirSwift noong Marso 17.

“On March 13 he got sick, he ask medical assistance but he picked up from Barton to Puerto Princesa City. Samples was collected on March 14 and the next day he was discharged because he already ok stable condition but will do self quarantine. On 17, he fly out to Clark,” paliwanag ng alkalde.

Sa kasalukuya­n aniya, nagsasagaw­a na sila ng contact tracing upang maiwasan ang posibleng paglaganap ng COVID19.

“We are currently conducting a contact tracing. Everyone should be in their home. Take care of themeselve­s. We are currently facing a serious problem,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.