Humanap ng paraan upang magpatuloy ang klase

Balita - - Opinyon - Ni Beth Camia

PINAHAHANA­P ng Commission on Higher Education (CHED) ng iba

pang paraan ang mga unibersida­d at mga kolehiyo para maipagpatu­loy ng mga ito ang pagka-klase sa kabila ng ipinaiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay CHED Chairperso­n Prospero de Vera, may mga nakakarati­ng kasi sa kanilang mga ulat na maraming mga estudyante ang nagkaka-problema sa signal, dahil sa mahinang internet kaya hindi makapagonl­ine

class.

Hindi rin naman magawang makapunta sa mga internet cafe ang mga estudyante, dahil mayroong transporta­tion limitation.

Dahil dito, sinabi ni De Vera, na naglabas na siya ng advisory sa mga pamantasan upang repasuhin ang kanilang delivery system ng online.

Puwede naman daw magkaroon ng adjustment, gaya ng pagbibigay ng

take home assignment o magpasulat ng papel at pagkatapos ng isang buwan ay tsaka magkaroon ng assessment.

Kasabay nito ay nakiusap din naman si de Vera sa lahat ng pamunuan ng mga kolehiyo at unibersida­d, pribado o pampubliko man, na medyo maging maluwag sa mga estudyante nang hindi naman nasasakrip­isyo ang kanilang standards.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.