Bird flu sa Ecija, ‘di kumalat

Balita - - Front Page - Light A. Nolasco

NUEVA ECIJA – Hindi na kumalat ang bird flu virus sa lalawigan matapos ang pagtama nito sa isang lugar sa Jaen kamakailan.

Inihayag ni veterinary provincial officer, Dr. Jun Romero, natuklasan sa nakaraang pagsusuri na negatibo na sa H5N6 avian influenza virus ang apat na barangay kung saan matatagpua­n ang quail farm.

Nilinaw nito, ang laboratory test results na lumabas nitong Biyernes ay isinagawa ng Department of Agricultur­e (DA)-Region 3.

Sinabi nito, kabilang sa mga nasabing lugar ang Bgy. Ulanin-Pitak, Pinanggaha­n, Imbunia at Hilera.

Kaugnay nito, pinayuhan Romero ang mga quail at livestocks raisers na makipag-ugnayan sa kanilang opisina para sa anumanng tulong o ayuda na kakailanga­nin.

Matatandaa­ng aabot sa 15,000 pugo ang kinatay at sinunog upang hindi na lumaganap pa ang virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.