Cuban doctors, aayuda sa Italy

Balita - - Balita -

HAVANA (Reuters) - Sinabi ng Communist-run Cuba na nagpadala ito ng isang brigada ng mga doktor at nurses sa Italy sa unang pagkakatao­n nitong weekend para tumulong sa paglaban sa novel coronaviru­s sa kahilingan ng worst-affected region ng Lombardy.

Ang Caribbean island ay nagpadala ng kanyang “armies of white robes” sa disaster sites sa buong mundo karamihan sa mararalita­ng bansa simula ng kanyang 1959 revolution. Ang mga doctor nito ay nasa front lines sa paglaban sa cholera sa Haiti at laban sa ebola sa West Africa noong 2010s.

Gayunman sa 52-strong brigade, ito ang unang pagkakatao­n na nagpadala amg Cuba ng emergency contingent saItaly, isa sa pinakamaya­mang bansa sa mundo, na nagpapakit­a sa naaabot ng kanyang medical diplomacy.

Ito ang ikaanim na medical brigade na ipinadala ng Cuba nitong mga nakaraang araw para labanan ang pagkalat ng bagong sakit sa ibang bansa. Nagpadala na ito ng contingent­s sa socialist allies na Venezuela at gayundin sa Nicaragua Jamaica, Suriname at Grenada.

“We are all afraid but we have a revolution­ary duty to fulfill, so we take out fear and put it to one side,” sinabi ni Leonardo Fernandez, 68, intensive care specialist, sa Reuters nitong Sabado ng gabi bago umalis ang kanyang brigada.

“He who says he is not afraid is a superhero, but we are not superheros, we are revolution­ary doctors.”

Ang Cuba ang isa sa may pinakamata­as ratios sa buong mundo ng mga doktor per capita, at ang kanyang medical brigades for disaster relief ay patuloy na nagbibigay sa Havana ng goodwill sa buong mundo.

ARMIES OF WHITE ROBES Reuters

Hawak-hawak ng Cuban doctors ang imahe ng yumaong si Cuban President Fidel Castro sa farewell ceremony bago sila tumulak patungong Italy para tumulong sa paglaban sa COVID-19 outbreak, sa Havana, Cuba nitong Marso 21, 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.