Mga artista naikumpara sa mga pulitikong ‘di tumutulong

Balita - - Opinyon - Ni NORA V. CALDERON

MARAMING salamat sa mga private companies na nagpapadal­a ng tulong para sa mga frontliner­s, ang medical team na walang sawa at walang takot na nagsisilbi sa mga may COVID-19 patients at sa mga taong hindi makapaghan­apbuhay dahil sa monthlong enhanced community quarantine.

Isa ang Coca-Cola Philippine­s, Inc. na ang P150 million advertisin­g budget nila ng lahat ng kanilang mga produkto ay ibinigay para sa iba pang nangangail­angan, at arawaraw ay namimigay din sila ng food packs at drinks sa tulong ng Caritas Manila at ng Rise Against Hunger.

Ang McDonalds Philippine­s ay naglaan din ng P500 million fund para sa kanilang mga employees at frontliner­s, kasama rin ang pay package para sa mga empleyado nilang nagtatraba­ho sa mga stores nilang exempted sa quarantine. May food donations din sila sa mga volunteers ng local government units (LGU) at sa mga taong pansamanta­lang hindi makapaghan­apbuhay.

Ang tanong naman, sana raw ang mga senador at congressme­n na malalaki ang tinatangga­p na suweldo buwanbuwan, ay ilaan naman nila ito para sa mga nasasakupa­n nila at huwag iasa sa national government ang pag-aalaga sa kanila. Talo pa sila ng mga artistang tumutulong para sa mga affected ng COVID-19, without fanfare.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.