Lovi, may tips paano maaliw sa bahay

Balita - - Front Page - Ni NORA V. CALDERON

NAG-SHARE si Kapuso actress Lovi

Poe kung paano niya ginagawang makabuluha­n ang mga oras niya habang nasa bahay siya bilang pagsunod sa utos na Stay Home lamang tayo.

Ilan sa tips na ibinigay niya ay ngayon daw ang time para linisin natin ang ating mga cellphones ng mga walang kabuluhang messages, magbasa ng books na matagal nang isinaisant­abi, gumawa ng mga masustansi­yang inumin, linisin ang mga cabinets and dressers, makipaglar­o kung may mga alaga kayong pets na baka nami-miss na kayo.

“Paalaala ko po sa mga Kapuso natin, mag-ingat tayo sa panahon ngayon na may lumalagana­p na sakit at huwag nating kalimutan na pasalamata­n at ipagdasal ang ating mga frontliner­s na patuloy na nakikipagl­aban sa pandemic na ito,” sabi ni Lovi. “We’re lucky we get to stay at the comfort of our homes while they’re making a huge act of love for everyone with their selflessne­ss and service.”

Mapapanood na si Lovi soon, sa upcoming romance-comedy series ng GMA Public Affairs na Owe My Love, na makakatamb­al niya si Benjamin

Alves, kasama ang star-studded cast na kinabibila­ngan nina Ai Ai delas Alas, Leo

Martinez, Winwyn Marquez, Nova Villa kasama sina Ruby Rodriguez, Jackie Lou

Blanco at marami pang iba.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.