PATAY SA VIRUS, 33 NA

Balita - - News -

Umabot na sa halos 400 ang bilang mga taong kumpirmado­ng dinapuan ng virus sa bansa.

Sa isang text message sa mga mamamahaya­g, kinumpirma ni Health Undersecre­tary Ma. Rosario Vergeire, na hanggang 12:00 ng tanghali kahapon ay nakapagtal­a ang DOH ng 396 confirmed COVID19 cases, matapos na makapagtal­a ng panibagong 16 na kaso ng sakit kahapon.

Ang mga ito ay binigyan ng patient ID number na PH381-PH396.

Samantala, maging ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa karamdaman ay nadagdagan rin walo at umabot na sa 33, mula sa dating 25 lamang kamakalawa.

Ang magandang balita naman aniya, maging ang bilang ng mga nakarekobe­r sa sakit ay tumaas rin at umabot na sa 18.

Kaugnay nito, patuloy namang nagpapaala­la ang DOH sa publiko na maging maingat upang hindi mahawa ng virus.

Payo ng DOH, mabisang paraan ng pag-iwas sa virus ay ang pananatili lamang sa kani-kanilang tahanan at tiyaking malakas at malinis ang pangangata­wan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.