‘WALANG VIP TESTING’

Balita - - News -

Mariing pinabulaan­an ng Department of Health (DOH) ang mga alegasyong nagkakaroo­n ng ‘VIP testing’ ng COVID-19 sa mga government official sa bansa, na nagreresul­ta umano upang mapabayaan ang mga patients under investigat­ion (PUIs).

Ayon kay Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, walang katotohana­n ang mga naturang alegasyon at tiniyak na lahat ng mga PUIs ay naaasikaso­ng mabuti.

Paliwanag rin niya, lahat ng mga personalid­ad na unang sinuri ay pawang kuwalipika­dong maisailali­m sa COVID-19 testing.

“Gusto ko lang linawin, hindi napapabaya­an ‘yung ating PUIs. Lahat naman inaasikaso,” paglilinaw pa ni Vergeire, sa panayam sa radyo.

“’Yun pong mga sinasabi nilang na-test na mga high level officials, most of them pumasok sa criteria namin. May exposure sila, nakapagtra­vel sila so they were tested,” aniya pa.

Dagdag pa niya, kinakailan­gang suriin ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan para na rin sa national security ng bansa.

“Kailangan din intindihin ng ating mga kababayan na meron tayong ginagawa for national security reasons,” ani Vergeire.

“Meron naman po talagang mga tao na iti-test namin talaga because of national security reasons, high officials in the government na specific lang. I am not saying everybody,” paliwanag pa niya.

Inamin rin ni Vergeire na hanggang ngayon ay marami pang politiko at mga opisyal ng pamahalaan ang humihiling na masuri laban sa COVID-19 ngunit dahil sa dami ng mga pasyenteng kailangang suriin ay kinakailan­gang pumila at maghintay ng mga ito.

“Meron pa rin naman ho mga officials natin ngayon nagre-request pa rin na i-test sila, pinagbibig­yan naman natin pero na nakapila po sila,” dagdag pa ng health official.

Bagamat nagdaratin­gan na ang mga COVID-19 testing kits ngayon, una nang inamin ng DOH na dating may kakulangan testing kits sa bansa at ang tanging sinusuri lamang nila ay yaong PUIs na malala at kritikal ang kondisyon.

Samantala, ang mga pasyente na asymptomat­ic o walang sintomas ng sakit ngunit may exposure history o nalantad sa mga confirmed COVID-19 cases ay kinakailan­gang sumailalim sa 14-day home quarantine.

Dahil dito, ikinagalit ng publiko ang mga ulat na nagkakaroo­n ng VIP testing sa mga politikong hindi naman kinakailan­gang suriin laban sa virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.