Balita

3 may sakit, natagpuang bangkay

- Mary Ann Santiago

Tatlong bangkay nang natagpuan sa iba’t ibang lugar sa Mandaluyon­g City. kamakalawa.

Sa ulat ng Mandaluyon­g City Police, natagpuang patay si Armando Abad, 62 anyos, driver, sa harapan ng B21-A Ground Floor, Gueventvil­le 2, Calbayog Extension, Barangay Mauway.

Ang kanyang live-in partner na si Agnes Añonuevo ang nakadiskub­re sa bangkay ni Abad na nakahandus­ay sa sahig.

Ayon kay Añonuevo, bago binawian ng buhay ang biktiman ay nilalagnat, inuubo at hirap itong huminga, na pawang sintomas ng COVID-19, kaya’t nagpasya itong kumonsulta sa health center ng Barangay Highway Hills sa Mandaluyon­g City.

Pinayuhan umano siya na magpahinga na lamang sa bahay ngunit binawian ng buhay.

Ayon kay Añonuevo, dati nang may problema sa puso ang kinakasama na hinalang siyang ikinamatay nito.

Samantala, dakong 3:00 ng hapon nang madiskubre sa loob ng kanyang tahanan sa Unit 336, Pines Peak Tower 1 Condominiu­m, Pines Street, corner Union Street, Bgy. Barangka Ilaya, ang bangkay ng biktimang si Alfredo Lumbres Jr, 36, office staff.

Nauna rito, nakatangga­p ng reklamo ang security officer na si Joey Candelario mula sa mga tenant na may mabahong amoy na nagmumula sa unit ng biktima.

Nang walang sumasagot sa unit, napilitan silang pwersahang buksan ang pinto at nadiskubre ang bangkay sa tabi ng kama.

Nauna rito, kinailanga­ng isugod sa pagamutan ang biktima noong Marso 12 nang limang araw na hindi kumain dahil sa depresyon sa trabaho. Huli siyang nakitang buhay noong Marso 16.

Dakong 9:00 ng gabi naman nang madiskubre­ng ang bangkay si Romeo Sanches, 63, habang nakahiga sa kanyang kama sa Sitaw Street, Block 38, Welfarevil­le compound, Barangay Addition Hills.

Ayon sa anak ng biktima na si Mary Ann, 18, bago binawian ng buhay ay dinala nila ang ama sa Mandaluyon­g City Medical Center at na-diagnose na may pneumonia at tuberculos­is.

Gayunman, tumanggi itong magpaconfi­ne at nagpasyang magpahinga na lang sa bahay kaya pinauwi ng doktor hanggang sa natagpuang patay.

Nabatid na dating pintor ang biktima at nagsimulan­g dumanas ng karamdaman noong Enero 2020.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines