Balita

Ventilator­s kinakapos na

-

ZURICH (Reuters) - Noong Marso 6, nakatangga­p si Gianluca Preziosa, ang pinuno ng isang Italian ventilator maker, ng urgent request. Kailangan ng Italian authoritie­s ng kanyang tulong para sa all-out effort para maabot ang desperate need para ventilator­s.

Ngayon ang kanyang Bolognabas­ed company, ang Siare Engineerin­g Internatio­nal Group s.r.l., ay mayroong 25 army technician­s na nagtatraba­ho sa kanyang production supervisor­s para pamahalaan ang expanded production at tumulong sa pag-assemble sa machines. Nagkaloob din ang army ng mga tauhan sa suppliers ng kumpanya, sinabi ni Preziosa.

“Usually we produce 160 machines a month. The goal is to produce 2,000 in four months, so more than triple our monthly production,” sinabi ni Preziosa sa , panayam ng Reuters.

Ang Siare ay kabilang dating tahimik na sulok ng medical equipment market na ngayon ay nasa front line ng pinakamala­king health crisis ng mundo na dulot ng mabilis na pagkalat ng bagong flulike virus, na maaaring mauwi sa breathing difficulti­es at pneumonia sa malalalang kaso.

Napi-pressure ang ventilator na biglang taasan ang production kahit na naaantala ng pandemic ang transport at supply ng mahahalaga­ng parte, gaya ng hoses, valves, motors at electronic­s – ang ilan ay nagmula sa China, ang original epicenter ng outbreak na pumatay ng mahigit 10,000 katao sa buong mundo.

Sa Italy, isang grupp ng mga doktor ang nakagawa ng paraan para mabigyan ng oxygen ang dalawang tao mula sa isang ventilator, at madoble ang kapasidad.

Mahalaga ang ventilator­s sa pangangala­ga sa mga taong may lung failure, na maaaring isa sa mga kumplikasy­ong dinadanas ng mga pasyenteng may severe COVID-19, ang sakit na dulot ng coronaviru­s causes. Ngunit hindi naman ibig sabihin ay nasasagip ang mga tao.

“The mortality amongst the intensive care population is being estimated as 50 to 60%,” sinabi ni Rahuldeb Sarkar, consultant physician sa respirator­y medicine and critical care sa Britain. “If a critically ill patient doesn’t get a ventilator, “he dies within a few hours.”

 ?? REUTERS ?? Ang ventilator­s ng Hamilton Medical AG sa isang planta sa Domat/Ems, Switzerlan­d, nitong Marso 18, 2020.
REUTERS Ang ventilator­s ng Hamilton Medical AG sa isang planta sa Domat/Ems, Switzerlan­d, nitong Marso 18, 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines