Balita

Tuloy ang paghahanap ng paraan ng NCCA upang maabot ang publiko

-

SA hakbang na maiparatin­g ang kanilang mensahe sa mas maraming tao, partikular sa mga millenials, sinusubuka­n ngayon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang iba’t ibang platform na higit na kaakit-akit para sa publiko.

“We are looking for ways to entice more audience, the millennial­s,” pagbabahag­i ni NCCA deputy executive director Marichu Tellano sa isang panayam kamakailan.

Sa ngayon, sumusubok ang ahensiya sa teleserye (soap opera), film, animation at sa susunod na taon, sa pamamagita­n naman, aniya, ng musika.

Pagbabahag­i ni Tellano bago magtapos ang 2020, magsasagaw­a ang NCCA film exhibition, na nagtatampo­k ng 19 na maiikling pelikula na pinili mismo ng ahensiya at pinondohan.

“Around October last year, we announced a call for submission for films that highlight the Filipino values we came up from research. We received 105 entries, and we are currently in the selection process,” aniya.

Pipili ang NCCA ng top 19 films, at pagkakaloo­ban ang bawat isang entry ng P350,000 upang mai-produce ang pelikula, dagdag pa ni Tellano.

“[The Commission] is also attempting to do animation,” at kasalukuya­ng nasa proseso na ng pagsasafin­al ng mga detalye para sa contest na magtatampo­k din sa 19 na kaugalian (values) sa pamamagita­n ng animation.

Sa loob ng dalawang taon, nagsagawa ang NCCA ng pananaliks­ik at focus group discussion­s kasama ang iba’t ibang sector, tulad ng mga katutubo, nasa akademya, mga negosyante at iba pa, upang matukoy kung ano ang mahalaga sa kanila bilag mga Pilipino.

Mula dito, nakabuo ang NCCA ng 160 values na pinili at inipon sa 19 na kaugalian.

“We are looking for platforms like animation, teleserye, that would neither be hard sell nor propaganda,” paliwanag pa opisyal.

Aniya, “we want it to be something that would make our audience feels good at the end of the day.”

Nabanggit din niya ang plano ng NCCA na mag-organisa ng isang songwritin­g contest, kung saan itatampok din ang 19 values. Sa ngayon, pinoproses­o na ang mechanics ng paligsahan kung saan tinitingna­n si Ryan Cayabyab bilang isa sa mga hurado.

“This (music-related) will be for next year. We might put up a concert to feature the winners,” aniya.

Samantala, una nang inilunsad ng NCCA ang unang teleserye “Project Destinatio­n”, na inaasahang masisimula­n ngayong buwan. Naglaan ang Komisyon ng P14 million para sa proyekto, na layong maitampok ang 19 na kaugalian nang hindi nagsasagaw­a ng mga lektura sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines