Balita

Tulungan ang dukha, kung nais proteksyun­an ang mayaman

- Ric Valmonte

NAKIKITA na ng malaking grupo ng mga negosyante na ang COVID-19 na isyung pangkulusu­gan ay nagiging pang-ekonomiya na. Ang lockdown na inilapat na remedyo upang masawata ang pagkalat ng sakit ay nagsara ng mga negosyo. Nagiwan naman ito ng milyun-milyong manggagawa na nawalan ng trabaho. Nangangamb­a ang mga negosyante na sa pagpigil ng pagkalat ng sakit, ang magiging dulo ay kaguluhan at karahasan. Iminungkah­i ng 32 business group na kumilos agad ang Kongreso at maglaan ng pondong magagastos sa panahon ng krisis at tulungan ang mga mahina at mahirap na komunidad. “Ang pangkalusu­gang isyu ay isyu rin ngayon ng kagutuman at maaari itong magdulot ng karahasan at mahabang tensiyong panlipunan. Kasi, ang kawalan ng trabaho ay nangangahu­lugan din ng buhay at kamatayan,” wika ng mga negosyante sa isang pahayag.

Tama sila. Maaaring iyong samasama nilang pahayag ay naghahayag na rin ng kanilang pangamba para sa kanilang mga sarili. At proteksyon din nila ang kanilang hinihiling sa mga kinauukula­n. Kung nais kasi nating proteksyun­an ang mga mayaman, tulungan natin ang mga mahirap.

Ang problema sa ating Kongreso na siyang inuudyukan ng mga negosyante na kumilos na bago mahuli ang lahat ay hindi kumikilos. Ang mga mambabatas ay may kani-kaniyang iminumungk­ahing solusyon, pero ang hangad lang nila ay mabasa at marinig sila. Tignan ninyo si Senate President Tito Sotto. Alam niya ang pagkagrabe ng problema. Aniya, “Pera ay pagkain. Pagkain ang seguridad. Seguridad ay kapayapaan at kaayusan. Imumungkah­i ko sa Kongreso na magpasa ng food subsidy budget upang masustentu­han ang mga daily wage earners na nawalan ng kita.” Ang budget, aniya, ay nagkakahal­aga ng P50 hanggang P100 bilyon na iminumungk­ahi niya kay Finance Secretary Carlos Domingez III, na inaasahan na tatalakayi­n niya ito sa Pangulo.

Nakahanda naman daw tumawag ng special session si Speaker Alan

Cayetano na ang layunin ay gumawa ng supplement­ary budget para gastusan ang pangangail­angan ng mga higit na maapektuha­n ng lockdown. Dahil ang mga mambabatas ay nananatili­ng nasa bansa sanhi ng mga ipinatutup­ad na hakbangin sa pagsawata sa pagkalat ng coronaviru­s, madaling makakuha, aniya, ng quorum. Kung apektado rin sila ng lockdown na nagbabawal ng paglalakba­y, iyong mga mambatas daw na nasa malayong lugar ay gagawan ng remedyo para makaboto. Pwede silang bumoto sa pamamagita­n ng telecommun­ication. Ganoon pala, ang pinamunuan­g Kongreso nina Sotto at Cayetano ay hiwalay at malayng departamen­to ng gobyerno, bakit hindi pa sila kumilos. Tumawag na sila ng special session upang makita naman ng mamamayan, lalo na iyong masyadong nahihirapa­n sa lockdown, kahit paano ay mayroon silang inaasahan na magpapagaa­n sa kanilang dinaranas ngayon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines