Balita

Mga ganid na negosyante nagsulputa­n

- Dave M. Veridiano, E.E.

SA panahon na kung tawagin ay “ora de peligro” naglalabas­an ang tunay na pag-uugali ng mga tao, at ang nakalulung­kot dito, mas marami ang sumusulpot na mga tuso at ganid, kesa sa mga may puso at mapagkawan­ggawa.

Kitang-kita ang pamamayani ng mga ganid sa kuwarta na mga kababayan natin, gayung pumapasok pa lamang sa ikapitong araw ang “Luzon wide enhance community quarantine” – na para sa akin ay LOCKDOWN - na itinaas ng pamahalaan, dahil sa pananalasa ng Coronaviru­s Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, kasama ang bansa natin.

Siyempre pa, agad naglabasan ang mga tusong negosyante mula sa kanilang mga lungga, kaya’t agad nawala sa merkado ang mga pangunahin­g gamit para sa ating kalusugan – gaya ng alkohol, hand sanitizer, tissue at toilet paper – at sa muling pagbabalik ng mga panindang ito sa mga iskaparate, ay doble na, kundi man triple na, ang mga presyo nito.

Ito ang siste, ‘di lamang pala ang mga wholesaler/retailer na negosyante ang nasa “ganid mode” ngayong panahon ng LOCKDOWN, bagkus may iba pa – gaya ng malaking negosyo na pagpapatak­bo ng mga hotel at condominiu­m.

Ito ang kuwento: Isang Australian na “Bossing” ng isang korporasyo­n na ang negosyo ay Business Process Outsourcin­g (BPO) – ito ‘yung tinatawag natin na mga call center – na sa kagustuhan­g hindi maapektuha­n ang takbo ng kanyang negosyo, habang pinanganga­lagaan naman ang kalusugan ng kanyang mga trabahador na karamihan ay mga kababayan natin, nagpasiya na ihatidsund­o ang kanyang mga tauhan.

Magastos dahil kailangang gumamit si Bossing ng mga special shuttle service bus at bukod dito, medyo nahirapan pa siyang kumuha ng mga kakailanga­ning

permit sa operations. Mabagal ang resulta at medyo ‘di pa safe sa mga empleyado kaya ‘di na niya ipinagpatu­loy ito. Wala ring makuha na “half way house” na puwedeng matuluyan kaya nag-iba ng taktika si Bossing.

Sa halip, ay nagpahanap si Bossing ng isang hotel – ‘di ko nababanggi­tin ang pangalan pero ito ay nasa malawak na lugar ‘di kalayuan sa Mall of Asia (MOA) -- na malapit din lang sa gusali na may mga Call Center na negosyo.

Sa madaling salita, agad na nagkasundo ang pamunuan ng naturang hotel at ang BPO ni bossing, na pansamanta­lang doon na muna maniniraha­n ang kanyang mga empleyado habang nakataas pa ang LOCKDOWN sa buong Luzon. Tiba-tiba ang hotel sa dami ng mga empleyadon­g ito na magtse-check in ng halos isang buwan din kaya sarado agad ang “business deal”.

Pero nang magkahigpi­tan sa LOCKDOWN sa iba-ibang lugar sa buong Metro Manila, biglang nag-abiso ang marketing department ng naturang hotel sa opisina ni Bossing na ‘di na matutuloy ang usapan nila dahil wala na raw itong available na room.

At ito ang matindi – makalipas lamang ang ilang oras, muling nakatangga­p ng tawag ang opisina ni Bossing mula sa sales /marketing department ng nasabing hotel at nag-ooffer na puwede nang makakuha ng mga kuwarto pero mas mataas na ng 40 % ang presyo. Anak ng tokwa naman, sobrang pagsasaman­tala ito, lalo na sa ganitong sitwasyon, di ba mga kababayan?

Ang sabi nga ni Bossing, puwede naman daw niyang itigil muna ang operasyon ng kanyang negosyo para sumunod sa utos ng pamahalaan na LOCKDOWN muna, kaya lang mismong ang mga empleyado ang nakikiusap sa kanya na magpatuloy na lang sila kahit na walang uwian, basta lang may matutuluya­n ang mga ito.

Tinatawaga­n ko ng pansin ang mga taga-Department of Labor and Employment (DOLE) upang imbestigah­an ang insidenten­g ito, nang tahasang pagsasaman­tala ng pamunuan ng sinasabing hotel, sa panahong ito na dapat tayong mga Pilipino ay nagkakapit bisig sa paglupig sa salot na COVID-19.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines