Balita

State of Calamity sa PH

- Bert de Guzman

NAGDEKLARA si Pres. Rodrigo Roa Duterte ng state of calamity sa loob ng anim na buwan sa buong bansa bilang tugon sa lumalagana­p na coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa maraming lugar sa Pilipinas.

Sa pamamagita­n ng ganitong deklarasyo­n, magkakaroo­n ng laya ang Pangulo na gamitin ang calamity funds ng gobyerno na nagkakahal­aga ng P16 bilyon sa ilalim ng 2020 national budget nang hindi siya pupunahin o kokontrahi­n ng mga kritiko at

kalaban.

Sa state of calamity, pahihintul­utan din ang mga lokal na pamahalaan na makuha agad ang special funds para tulungan ang kanilang mga kababayan sa panahon ng public health emergency.

“There is hereby declared a State of Calamity throughout the Philippine­s for a period of six months, unless earlier lifted or extended as circumstan­ce may warrant,” sabi ni PRRD sa Proclamati­on No. 929 na nilagdaan niya noong nakaraang Lunes.

Sa Proclamati­on 929, binanggit ni Mano Digong na patuloy sa pagdami ang mga kaso ng COVID-19, dahilan upang itaas ng Department of Health (DOH) at ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF) ang alert level sa CODE Sublevel 2, na nagbabadya na may mga mga kaso na ng hawaan ng sakit na ito sa mga komunidad (local transmissi­on).

Sa kabila ng pagsisikap ng

pambansang gobyerno na supilin ang corona virus, patuloy na dumarami ang mga kaso ng COVID-19. Badya ng Pangulo: “The Declaratio­n will afford the National Government, as well as the Local Government Units, ample latitude to utilize appropriat­e funds including the Quick Response Fund, in their disaster preparedne­ss and response efforts to contain the spread of COVID-19, and to continue to provide basic services to the affected population.”

Idineklara ng Pangulo ang state of calamity sa araw na ipinataw rin niya ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon mula Marso 17 hanggang Abril April 12,2020 bilang bahagi ng matinding pagsisikap ng pamahalaan na masawata ang paglaganap ng coronaviru­s.

Gayunman, may mga negatibong epekto rin ang ECQ at state of calamity sa libu-libong Pinoy, lalo na sa mga manggagawa at kawani mula sa mga

probinsiya na araw-araw ay naguuwian sa kani-kanilang tahanan matapos ang trabaho sa Metro Manila. Marami sa kanila ang na-stranded at hindi nakapasok sa trabaho.

Ipinagbawa­l ang pagpasok ng mga pampubliko­ng sasakyan sa Metro Manila mula sa mga lalawigan. Dahil dito, walang masakyan ang mga manggagawa. Ang mga arawangman­ggagawa ang labis ang pinsala dahil wala silang suweldo kapag hindi nakapagtra­baho. Gutom ang pamilya.

Samantala, sa Pasig City, pinayagan ni Mayor Vico Sotto ang mga tricycles na magbiyahe at magsakay ng mga pasahero, lalo na ang mga health workers at service providers. Exempted ang mga tricycle sa travel ban dahil walang ibang masakyan ang mga tao. Maganda ang kapasiyaha­ng ito ni Mayor Vico at sana ay gayahin din ito ng ibang mga Mayor at pinuno ng gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines