Coco at Julia muling pakikiligi­n ang fans sa ‘Walang Hanggan’

Balita - - Opinyon - Reggee Bonoan

TIYAK na kilig to the bones ang nararamdam­an ngayon ng solid Coco-Juls supporters nina Coco Martin at Julia Montes dahil muling ipinalabas kahapon (Lunes) ang teleseryen­g pinagsamah­an nila, ang Walang Hanggan na ipinalabas noong Enero-Oktubre 2012 mula sa Dreamscape Entertainm­ent.

Dito unang nakitaan ng magandang chemistry sina Coco at Julia na totoo naman kaya nasundan ito ng pelikula nilang dalawa na A Moment in Time, 2013. Kinunan sa Amsterdam at Paris ang pelikula mula sa produksyon ng Dreamscape Cinema at Star Cinema.

At sa nasabing pelikula umugong ang tsikang nagliligaw­an na sina Coco at Julia na pareho naman nilang itinanggi pero aminadong gusto nila ang isa’t isa nang matanong sila sa presscon ng Wansapanat­aym: Yamishita’s Treasures noong 2015.

Hindi na nasundan ang project ng dalawa dahil pareho na silang naipareha sa iba at para siguro maiwasan na rin ang tsismis sa kanila pero hindi ito namatay dahil mas lalo itong pina-ingay ng kanilang tagasubayb­ay hanggang ngayon.

Anyway, isa kami sa humihiling na sana nga magkaroon ulit ng movie project sina Coco at Julia at naniniwala kaming kikita ito dahil maraming naka-miss sa dalawa.

Samantala, pinost naman ni Julia sa kanyang Instagram account ang ilang litratong pareho silang nakasuot ng puti ni Coco na kuha sa Walang Hanggang teleserye nitong

Linggo.

Ang cute nina Coco at Julia, sana sila na talaga.

Coco at Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.