Eala, nanatili sa No.4 ng ITF

Balita - - Sports -

HINDI natinag si tennis teen sensation Alex Eala sa No. 4 spot sa latest world ranking na inilabas ng Internatio­nal Tennis Federation (ITF).

Matapos ang desisyon na ikansela anglahat ng programa ng ITF bunsod ng coronaviru­s (COVID-19) pandemic, napanatili ni Eala sa kanyang puwesto tangan ang 1,718.75 puntos sa likod nina No. 1 Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra (1,971.25), No. 2 Diane Perry ng France (1,967.50) at No. 3 Daria Snigur ng Ukraine (1,930.00) sa junior rankings.

Nakakuha ng malaking puntos ang batang Pinay nang magkampeon sa girls’ doubles sa Grand Slam event na 2020 Australian Open na ginanap nitong Enero sa

Melbourne.

Nakipagtam­balana si Eala kay Indonesian Pariska Nugroho para masikwat ang korona para makuha ang 750 puntos.

Nagkampeon din si Eala sa singles sa Cape Town, South Africa noong Setyembre (500 points) habang may runnerup ito sa Osaka, Japan noong Oktubre (300 points).

Nakakuha rin ng titulo si Eala sa doubles sa Plantation tournament sa Amerika noong Disyembre at runnerup naman sa Offenbach event sa Germany noong Hunyo.

Dahil sa kanyang world ranking, awtomatiko na ang puwesto si Eala sa main draw ng mga Grade A at Grand Slam events kabilang na ang French Open, Wimbledon Championsh­ips at US Open.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.