W.H.O. chief: Pandemya ng COVID-19, pabilis

Balita - - Front Page -

Malinaw na pabilis ang pandemya ng novel coronaviru­s, babala ng World Health Organizati­on nitong Lunes, ngunit sinabi na posible pa ring mabago ang trajectory nito sa pamamagita­n ng agresibong pag-atake sa virus.

Ang pahayag ay dumating kasabay ng pagsirit ng bilang ng mga namatay sa mahigit 15,000, na may mahigit 341,000 kataong nahawaan sa buong mundo, ayon sa tally na tinipon ng AFP mula sa official sources.

“The pandemic is accelerati­ng,” sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s sa isang virtual news conference.

Sinabi niya na inabot ng 67 araw simula nang mag-umpisa ang outbreak sa China nooong Disyembre para makapangha­wa ang virus ng unang 100,000 katao sa buong mundo.

Kung ikukumpara, inabot lamang ng 11 araw para sa pangalawan­g 100,000 kaso at apat na araw lamang para sa ikatlong 100,000 kaso, sinabi niya.

Ang bilang ng officially recorded cases ay pinaniniwa­laang kumakatawa­n sa maliit na parte lamang ng tunay na infections, dahil maraming bansa ang tine-test lamang ang pinakamala­lang kaso na nangangail­angan ng hospitalis­ation.

“We are not helpless bystanders. We can change the trajectory of this pandemic,” ani Tedros.

Mensahe ni Messi Sinahan ni FIFA president Gianni

Infantino, ikinumpara ni Tedros ang paglaban sa COVID-19 sa football tactics.

“You can’t win a football game only by defending. You have to attack as well,” sinabi ni Tedros.

Ang physical distancing ay maaaring magbigay ng panahon para mapabagal ang pagkalat, “but they are defensive measures that will not help us to win,” aniya.

“To win, we need to attack the virus with aggressive and targeted tactics,” sinabi niya, muling idiniin ang panawagan para sa “testing every suspected case, isolating and caring for every confirmed case and tracing and quarantini­ng every close contact.”

Inilunsad ni Tedros at Infantino ang joint campaign na naglalayon­g ipakalat ang mensahe kung paano protektaha­n ang sarili laban sa infection upang masimulan ang pag-“kick out” sa coronaviru­s.

Sa isang social media video clip, inilatag ng football stars mula sa buong mundo ang limang simple steps para gamitin ang “hands, elbow, face, distance and feel.”

Sinabi ni Barcelona at Argentina icon Lionel Messi na: “For your face, avoid touching your eyes, your nose and your mouth. This can prevent the virus from entering your body.”

Idinagdag ninSamuel Eto’o, isa sa Africa’s greatest strikers, na: “If you feel unwell, stay home.”

Tedros (AFP)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.