Balita

Militante, binalaan

- Bella Gamotea

Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director,Major General Debold Sinas na aresto at kaso ang magiging katapat ng mga indibiduwa­l o grupong magsasagaw­a ng kilos protesta kabilang na rito ang militanten­g grupong KADAMAY sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon partikular sa Metro Manila.

Iginiit ni M/Gen Sinas na aarestuhin at sasampahan ng kasong breach of the peace ang mga mahuhuling nagsagawa ng pagkilos o protesta kabilang ang noise barrage sa gitna ng ECQ.

“It is mandate to maintain order and peace but when peace is breached during protests, we are ready to apply the rule of law”, pahayag ni Sinas.

Batay sa imbestigas­yon,kamakalawa dakong 5:00 ng hapon nagkasa ang 60 raliyista at Kadamay group sa pangunguna nina Ricky Indicio,Inday Bagasbas at JM Atienza, ng ‘Noise Barrage Protest” sa Sito San Roque, Barangay Pag-asa, Quezon City at natapos ang kanilang protesta ng 5:45 ng hapon.

Aniya,bahagi ng nationwide monitoring of sectoral/mass movements ang pagpapanat­ili ng katahimika­n at kaayusan sa Metro Manila, ang pagbabawal sa katulad na pangangala­mpag o pag-iingay sa komunidad.

Mariing kinukonden­a ng mga militante ang umiiral na quarantine at mass testing dahil hindi umano ito solusyon sa COVID-19 habang bitbit ang kanilang banner at placard na nakasulat ang “Proteksiyu­nman ang kalusugan at kabuhayan” at nanghihing­i ng mga bitamina at iba pang proteksiyo­n sa kalusugan.

Nakiusap naman si Sinas na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay ang residente kung nais nilang maging ligtas sa COVID-19 sa halip na sumali sa protesta.

“We urge our people to keep themselves safe by staying at home and refrain from being on the roadside in order to prevent the spread of the highly contagious virus”, ani Sinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines