UN chief nanawagan ng ‘global ceasefire’

Balita - - Front Page -

Umapela si UN Secretary-General Antonio Guterres nitong Lunes para sa “immediate global ceasefire” para protektaha­n ang mahihinang sibilyan sa conflict zones mula sa pananalasa ng coronaviru­s pandemic.

“The fury of the virus illustrate­s the folly of war,” sinabi niya sa isang maikling talumpati sa UN headquarte­rs sa New York, nang walang pinapangal­anang bansa. “That is why today, I am calling for an immediate global ceasefire in all corners of the world.”

Iniulat ng Syria ang unang kaso nito ng COVID-19, sa bansang dinurog ng 10 taong digmaan, at iba oang mga kaso ang lumutang sa Democratic Republic of Congo at Afghanista­n.

Inaasahan ng mga eksperto at diplomats na maghahasik ng gulo ang virus sa magugulong bansa, na madalas ay mahirap at may mahinang health care systems.

“It is time to put armed conflict on lockdown and focus together on the true fight of our lives,” himok ni Guterres. “Silence the guns; stop the artillery; end the airstrikes.”

Mahalaga aniya ito para mabuksan ang mga daan at maihatid ang life-saving aid.

“End the sickness of war and fight the disease that is ravaging our world. It starts by stopping the fighting everywhere. Now,” sinabi niya.

“If the fighting goes on, we might have an absolutely devastatin­g spreading of the epidemic.”

Matapos ang panawagan ni Guterres noong nakaraang linggo para sa global response sa pandemya, na wika niya ay inilagay sa panganib ang buhay ng “millions”, inaasahang ilulunsad ng United Nations sa Miyerkules ang detalyadon­g plano para sa humanitari­an relief, sa paglikha ng isang fund na nakaalay sa pandaigdig­ang paglaban sa coronaviru­s.

Guterres (AFP)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.