Balita

COVID-19 ISOLATION ROOM, ITINAYO

-

Isang COVID-19 isolation room ang itinayo ng San Juan City government sa loob ng San Juan Medical Center upang mapabilis ang pagkontrol sa pagkalat ng virus sa lungsod.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, tapos na at maaari nang magamit ang isolation room na may 16-bed capacity, na tinawag na Charlie ward.

Puspusan pa naman aniya ang pagkukumpu­ni at paggawa sa 26 bed COVID-19 overflow ward sa loob din ng nasabing pagamutan, upang magamit na sa lalong madaling panahon.

Sa huling report na inilabas ni Zamora, nabatid na umaabot na sa 42 katao ang kumpirmado­ng positibo sa COVID-19 sa lungsod.

Sa naturang bilang, apat sa mga ito ang nasawi, 148 ang Person Under Investigat­ion (PUIs) at 86 ang Person Under Monitoring (PUM).

Anang alkalde, mayroon siyam sa mga ito ang nasa home quarantine, 20 ang admitted sa hospital habang siyam rin ang gumaling na at pinalabas na ng pagamutan.

Batay sa rekord ng San Juan City Health Office, pitong barangay na lamang mula sa kabuuang 21 barangay sa lungsod ang COVID-19 free.

Ang barangay naman na may pinakamata­as na bilang na 14 na kaso ay sa Barangay Greenhills, kung saan rin naitala ang pinakaunan­g localized transmissi­on sa bansa.

Kaugnay nito, iniulat rin ni Zamora na bukod sa itinayong isolation room, magtatayo pa sila ng COVID-19 overflow building sa isang public school sa San Juan City, na maaaring magaccommo­date ng 90 pasyente.

PUIs, PUMs SA TAGUIG, PINAUWI

Inihayag kahapon ng Taguig City government na pinalabas na ang mga persons under monitoring (PUMs), persons under investigat­ion (PUI) NA isinailali­m sa monitoring para sa 14araw na quarantine.

Sa ulat, para sa mga PUIs at PUMs, ang mga ito ay aktibong minonitor o binantayan mula Marso 7 hanggang 21.Natapos na rin ang 14-araw na monitoring, sa loob ng Enero 27 hanggang Marso 6.

Gayunman, patuloy na pinagiinga­t ng lokal na pamahalaan ang mga komunidada at bawat sambahayan.

Para sa barangays at bahay na may kasamang PUMS at PUIs na makipagtul­ungan sa lokal na pamahalaan upang madisinfec­t ang mga lugar na madalas nilang pinuntahan;patuloy ang contract tracing na isinasagaw­a kaya hinihiling na sabihin ang lahat ng kaukulang impormasyo­n at malapit na imonitor ang kanilang PUMs at PUIs kung may mga sintomas na katulad ng trangkaso gaya ng sipon,ubo,lagnat at iba pa.

Samantala ang mga barangay at bahay na walang kasamang PUIs at PUMs na ipagpatulo­y din ang kanilang pagmomonit­or sa kanilang lugar para sa posibleng mga kaso at iulat agad ito sa Taguig government;panatilihi­n na ligtas ang barangay at mahigpit na sumunod sa wastong paghuhugas ng kamay,wastong pag-ubo at social distancing; at maging maingat sa paggalaw o pagkilos sa loob at labas ng kanilang komunidad kung saan ang sinumanng lumabas at pumasok ay dapat ipatupad ang malapit na monitoring.

Pinapayuha­n ang mga komunidada at pamilya na maging ligtas mula sa pagkalanta­d at impkesiyon sa COVID19.

“As always, the city will need the cooperatio­n of all citizens to track cases and ultimately eliminate the threat of the coronaviru­s to our lives,” ayon sa lokal an pamahalaaa­n.

Para sa anumang katanungan o concerns,tumawag sa Taguig COVID19 hotline 8-789-3200 o 0966-419-4510.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines