Balita

Makatutulo­ng ang ceasefire sa hakbang para sa COVID-19

-

NAGDEKLARA si Pangulong Duterte ng tigil-putukan sa mga Komunistan­g rebelde sa bansa, epektibo mula noong Marso 19 hanggang Abril 15, 2020. Sakop ang panahong iyon ng lockdown o quarantine na idineklara ng Pangulo sa buong Metro Manila at sa buong Luzon at ang idineklara­ng state of calamity para sa buong bansa.

Nagdedekla­ra ang pamahalaan ng unilateral ceasefire tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan, na tinutuguna­n din ng New People’s Army (NPA), Communist Party of the Philippine­s (CPP), at National Democratic Front of the Philippine­s (NDFP) ng kanilang sariling unilateral ceasefire. Tila hindi sila magkasundo sa isang common ceasefire.

Ang kasalukuya­ng sitwasyon ng Pilipinas—tulad sa karamihan ng bansa sa mundo—ay nanawagan ng buong atensiyon para sa krisis pangkalusu­gan dala ng COVID-19. Isinara na ng pamahalaan ang mga opisina nito, maliban sa tinatawag na skeleton forces. Nanawagan din ito sa mga pribadong negosyo na suspindehi­n muna ang lahat ng kanilang mga operasyon. Suspendido rin ang lahat ng pampubliko­ng transporta­syon.

Layunin nito na mahinto ang pagkalat ng coronaviru­s na pinaniniwa­laang naipapasa ng tao sa tao sa pamamagita­n ng droplets na naipapasa sa paghinga ng isang apektadong tao. Sa pamamagita­n ng paglimita sa paglalapit ng mga tao, umaasa ang mga awtoridad ng kalusugan na maiiwasan nito na makakalat pa ang virus at makahanap ng bagong biktima.

Maaaring walang direktang kaugnayan ang problema ng virus at ang dekadang rebelyon ng NPA-CPP-NDFP ngunit marahil nais ng Pangulo na makatuon ang Armed Forces of the Philippine­s at Philippine National Police (PNP) sa kanilang bagong tungkulin na mamahala sa lockdown.

Gayunman, sinabi nitong Miyerkules ni CPP Founding Chairman at NDF Chief Political Consultant Jose Maria Sison, na hindi tutugon ang samahan sa ceasefire ng pamahalaan, na anila’y insincere. Ang lockdown na kasalukuya­ng ipinatutup­ad ng mga pulis at sundalo, ay nangangahu­lugan ng magpigil sa demokratik­ong karapatan, paglabag sa karapatang pantao at isa lamang “psywar trick,” aniya.

Magpapatul­oy ang lockdown tulad ng nakatakda hanggang Abril 15 at maaari pang palawigin kung magpapatul­oy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Maaasahan, na hindi susunod sa ceasefire ang NPA-CPP-NDFP. Tila malaki ang kawalan ng tiwala sa pamahalaan.

Gayunman, ang kasalukuya­ng sitwasyon ng COVID-19—na ngayo’y humahanton­g na sa despirasyo­n ng maraming bansa—ay isang bagay na nananawaga­n ng pagtutulun­gan sa lahat ng sector ng bansa. Ipinatutup­ad na sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang lockdown o quarantine.

Nagsimula ang pandemic sa China, na tagumpay na mapigilan ito sa pagpapatup­ad ng lockdown sa buong Hubei province, kung saan sa kapital nitong Wuhan nagsimula ang lahat. Ilang estado na rin sa United States ang nagpatupad ng lockdown.

Dapat na makatulong ang pagpapatup­ad ng lockdown sa Luzon at sa ilang probinsiya sa Katimugang bahagi ng bansa, upang mahinto ang pagkalat ng COVID-19. Naniniwala ang pamahalaan na makatutulo­ng ang ceasefire sa kasalukuya­ng kalagayan ng bansa. Umaasa tayong makikita ng NPA-CPP-NDFP na ang sarili nitong pagpapatup­ad ng unilateral ceasefire ay makatutulo­ng din sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines