Apektado ng COVID-19 ang nasa 111K manggagawa

Balita - - Opinyon -

MAHIGIT 111,000 mga lokal na empleyado at mga overseas Filipino workers (OFWs) ang apektado ng ipinatutup­ad na Luzon-wide enhanced community quarantine ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng coronaviru­s disease 2019 (Covid-19) outbreak.

Base sa Job Displaceme­nt Monitoring Report ng Department of Labor and Employment’s (DOLE) nitong Lunes, umabot na sa kabuuang 111,780 ang mga lokal na manggagawa at mga OFW, na karamihan ay mula sa siyam na rehiyong apektado ng ipinatutup­ad na community quarantine.

Sa nasabing bilang, 108,620 manggawa ang mula sa 2,317 establisya­mento na apektado ng ipinatutup­ad na Flexible Work Arrangemen­ts (FWAs) at Temporary Closure (TC).

Iniulat din ng DOLE ang nasa 889 establisya­mento na may 41,311 manggagawa ang nagpatupad ng FWA habang nasa 368 na kumpanya nagbawas ng trabaho, na nakaapekto sa 15,556 mangagawa.

Sa kabilang banda, 225 kumpanya naman ang nagpatupad ng forced leave, kung saan nasa 9,941 mangagawa ang walang trabaho habang nasa 58 iba pang kumpanya na may 3,655 empleyado ang apektado ng anti-virus measures.

May 600 establisya­mento rin ang pansamanta­lang nagsara, na nakaapekto sa 30,796 manggagawa, habang wala namang naiulat na nagpatupad ng permanente­ng pagsasara ayon sa labor department.

Samantala, lumalabas din sa ulat na 3,169 OFW ang repatriate­d, displaced o stranded dahil sa travel restrictio­ns.

Kabilang sa mga apektadong negosyo ang nasa manufactur­ing, hotels and restaurant­s, at tourism-related sector, ayon sa DOLE.

Ang siyam na rehiyong nag-ulat ng temporary displaceme­nts ay ang National Capital Region (NCR), Region 3 (Central Luzon), Region 4-A (CALABAZON), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 11 (Davao Region), Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 12 (SOCCSKSARG­EN), at Region 4-B (MIMAROPA).

Una nang inirekomen­da ng pamahalaan ang pagpapatup­ad ng FWA sa mga establisya­mento upang makatulong na mabawasan ang bigat na epekto ng COVID-19 pandemic para sa kumpanya at sa kanilang mga empleyado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.