Balita

ECQ at romantic bonding

- Bert de Guzman

NAG-TEXT sa akin ang palabirong kaibigan ng ganito: “Idineklara ng Pangulo ang ECQ (Enhanced Community Quarantine) para mapigilan ang pagkalat ng coronaviru­s disease 19 (COVID-19) upang hindi magkasakit o mamatay ang mga Pinoy. Tama naman. May namatay na sa virus na ito. Ilang kababayan na ang pumanaw, pero tiyak namang darami ang mga babies na mabubuo dahil sa ECQ sapagkat laging nakakulong ang mag-asawa, lalo na ang honeymoone­rs, at

iyong mga produktibo pa.” Aba naman, may katwiran ka kaibigan. Ito ang kung tawagin ko ay “romantic bonding” sa bahay.

Dahil sa hirap sumakay ngayon sa mga pampubliko­ng sasakyan, dito sa Pasig City ay ipinasiya ni Mayor Vic Sotto na payagan ang mga tricycle na bumiyahe para magsakay ng mga pasaherong kailangan ng bayan, tulad ng health workers, empleyado ng bangko, at iba pang ang serbisyo ay kelangan ng taumbayan. Para raw ito sa humanitari­an considerat­ion.

Gayunman, may mga report na kontra sa ginawang ito ni Mayor Vico si DILG Sec. Eduardo Año dahil sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Delikado raw na magkahawah­an ang mga tao kapag pinasakay sa tricycles. Binanggit ni Año ang tinatawag na “social distancing” sapagkat magkatabi ang mga pasahero sa loob ng maliit na espasyo ng tricycles.

Sa aking palagay, higit na may

katwiran si Mayor Vico sa puntong ito dahil kung walang health workers (mga doktor, nurse, caregiver) eh sino ang magaalaga sa mga maysakit sa mga ospital at klinika. Higit na maraming tao ang mamamatay kapag walang tumitingin­g doktor at nag-aalagang nurse kumpara sa social distancing na magkakahaw­ahan ang magkatabi sa tricycle.

Marahil, ang dapat ipayo ni Año rito sa halip na kontrahin si Mayor Vico ay sabihan siya na pasakayin sa tricycle ang isa o dalawang pasahero at panatilihi­n ang tamang agwat sa pagkakaupo upang hindi magkahinga­han.

Habang sinusulat ko ito, hindi pa alam kung tuloy ang pagbibiyah­e ng tricycles sa Pasig City o itinigil na. Samantala, sa lalawigan kong Bulacan, pinaiirial din ang ECQ o lockdown bunsod ng ilang kaso ng COVID-19 sa ilang bayan dito. Maging ang alkalde raw ng Baliwag ay tinamaan ng “veeroos” na ito, este virus, kung kaya pati mga opisyal at kawani ng bayan ay naka-quarantine

ngayon.

Iginigiit ng hepe ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makakaya pang matamo ng Pilipinas ang 6 posiyenton­g Gross Domestic Product Growth (GDP) sa kabila ng pananalasa ng Covid-19. Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na hindi dapat paniwalaan na dahil sa virus na ito, mahaharang ang paglusog ng ekonomiya ng ‘Pinas.

Badya ni Diokno sa English: “The truth is that the economic fundamenta­ls are on our side. Even under the worst possible scenario, the Philippine­s can still grow this year and in the medium term by about six percent”.

Sana ay totoo ang pahayag na ito ni Diokno at hindi manlupaypa­y ang kabuhayan at ekonomiya ng minamahal nating Pilipinas at ng ating mga kababayang Pinoy na sagad na sa hirap, subalit nananatili­ng matatag at nakatayo sa kabila ng krisis na dulot ng mapaminsal­ang “veeroos”, este virus na ito, na nananalasa sa buong mundo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines