Balita

PCSO, namahagi ng food packs sa PNP

- Mary Ann Santiago

Namahagi ang Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) ng mga food packs para sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na siyang nagbabanta­y ng lahat ng entrance at exit checkpoint­s sa iba’t ibang lugar sa bansa, na bahagi ng ipinatutup­ad na enhanced community quarantine sa Luzon upang masugpo ang paglaganap ng coronaviru­s 2019 (COVID-19).

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ang mga food packs ay naglalaman ng mga biscuits, chocolate at milk drinks upang matiyak na magiging malakas ang pangangata­wan ng mga naturang police frontliner­s.

Unang nabahagian ng food packs ay ang mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) at National Capital Regional Police Office (NCRPO) na nagbabanta­y sa lahat ng entrance at exit checkpoint areas sa Luzon.

Sinabi ni Garma na nagpasya silang mamahagi ng mga food packs sa nga frontline policemen bilang pagpapakit­a ng pagkilala at pasasalama­t sa sakripisyo nila para sa bansa.

Hinikayat rin naman ni Garma ang publiko na makiisa sa enhanced community quarantine at manatili lamang sa mga tahanan upang mabilis na masugpo ang lumalagana­p na karamdaman sa bansa.

“Our modern heroes today implement very well their checkpoint operation guided with the policies on Enhanced Comminity Quarantine issued by President Rodrigo Roa Duterte to deter the possible spread of COVID-19, hence these people deserve to be recognized, appreciate­d and cared too,” ani Garma.

“In this trying times , health and safety of our frontliner­s remains our priority”, dagdag pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines