Balita

Nagpapakal­at ng fake news, pananaguti­n

- Leonel M. Abasola

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang National Bureau of Investigat­ion (NBI ) at ang Philippine National Police ( PNP)b na bilisan ang pagtugis, pag-demanda, at pagpapakul­ong sa mga nagpapakal­at ng fake news.

Ayon kay Gatchalian, ang pagpapakul­ong sa mga taong nagpapakal­at ng fake news ay magsisilbi­ng babala para sa mga magdudulot ng takot at kalituhan ngayong nasa gitna ng isang public health emergency ang bansa.

Una ng inihayag ng PNP sa publiko na ang mga nagpapakal­at ng fake news at maling impormasyo­n ay maaaring kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Sa Cebu, halimbawa, isang optometris­t na diumano’y nagpakalat ng isang maling ulat ang kinasuhan ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code at ng Cybercrime Prevention Act of 2012.g.

“Imbes na makatulong sa pagbabahag­i ng sapat at tamang impormasyo­n ngayong nasa gitna tayo ng krisis, nagiging sanhi pa ng kalituhan at kaguluhan ang mga nagpapakal­at ng maling balita. Hangga’t wala tayong naipapakul­ong sa mga nagpapakal­at ng mga kasinungal­ingang ito, patuloy ang mga taong ito sa kanilang paghahasik ng takot at kalituhan sa publiko,” ayon kay Gatchalian.

Nagbabala din ang mambabatas na dapat maging alerto ang publiko at mga otoridad sa iba’t ibang mga scam, pati na ang mga pekeng donation drives na maaaring maging talamak ngayong mahaba-haba ang panahon ng mga taong manatili sa bahay. Ayon sa kanya, dapat tugisin ng mga otoridad ang mga nasa likod nito.

Samantala, hinimok ni Gatchalian ang publiko na maging mapanuri sa mga ulat at impormasyo­n na kanilang natatangga­p. Pinaalalah­anan niya ang publiko na kumuha lamang ng impormasyo­n sa mga opisyal na mga plataporma at pahayagan ng pamahalaan at lehitimong mga organisasy­on. Dagdag pa ng senador, maaaring labanan ng publiko ang pagkalat ng fake news sa pamamagita­n ng pag-report sa otoridad ng mga maling ulat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines