PSC, SALUDO SA DOH

Balita - - Opinyon - Annie Abad

NAGPAHAYAG ng pasasalama­t ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Health (DOH) sa matapang at buong pusong paglilingk­od bilang pangunahin­g ahensiya ng gobyerno sa gitna ng krisis na kinakahara­p ng bansa bunspd ng COVID-19.

Sa pahayag na ipinalabas ng PSC sa kanilang Facebook page, sinabi ni Chairman William “Butch” Ramirez na hindi biro ang kinakahara­p ng buong bansa at ang responsibi­lidad ng DOH para maabatan ang krisis ay hindi maikumumpa­ra maging sa pagpapatup­ad ng programa sa sports.

“It is not easy to lead the agency in this crisis. Like us, when we embarked on a wide scale grassroots

program they do not have a blueprint,” ani Ramirez.

“Ang DOH, ang mga doctors, nurses, mga pulis at militar ang mga nasa frontline. Salamat po sa sakripisyo nyo,” aniya.

Hindi kaila sa lahat na noong nakaraang Lunes ay nagpasya si DOH Secretary Dr. Francisco Duque III na sumailalim sa self isolation process matapos na makasalamu­ha ang isa sa mga nagpositib­o.

Gayunman, negatibo naman ang naging resulta ng test ng nasabing kalihim.

Pinasalama­tan din ni Ramirez ang Under Secretary na si Maria Rosario Vergeire sa matapang din nitong pag-ako sa trabahong pansamanta­lang iniwan ni Secretary Duque.

“I thank Usec. Vergeire for the constant updates, reminders and guidance. Malaking tulong po ito sa lahat,” ayon pa kay Ramirez.

Ramirez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.