Balita

Obiena, kumpiyansa sa ensayo sa Italy

-

TULOY sa ensayo, ngunit may kasamang pag-iingat ang ginagawa ni Olympic bound pole vaulketr Ernest John Obiena sa pasilidad sa Italy.

Mataas ang umero ng mga biktima ng COVID-19 sa Italy, ngunit kumpiyansa si Obiena na malalagpas­an ito ng buonmg mundo.

Kasalukuya­ng nasa Formia so Obiena – isa sa lugar sa Italy na may mababang kaso ng coronaviru­s ..

“So far, my mga testings dito everytime na papasok kami ng training centers, may mga lockdown at nagstock up na kami ng pagkain kasi skeletal force lang ang lumalabas dito,” ani Obiena.

Isa si Obiena sa mga nagpasyang manatili sa Italy para ipagpatulo­y ang training. May limang tracksters ang kasama nito sa camp - tatlong Italians, isang Brazilian at isang British.

Naghahanda si Obiena para sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ayaw ni Obiena na magpaapekt­o sa mga naglalabas­ang ulat para hindi mawala ang focus nito sa training.

Ilang mga grupo na ang nananawaga­n na kanselahin muna ang Olympics dahil hindi pa humuhupa ang krisis sa coronaviru­s.

Ngunit walang balak ang gobyerno ng Japan na ipagpaliba­n ito.

Kinatigan din ng Internatio­nal Olympic Committee ang pahayag ng Japandahil­masyadopan­gmaaga para agad na magdesisyo­n sa kanselasyo­n.

Kaya naman tuloy lang sa ensayo si Obiena.

“For us, athletes, Olympics is the pinnacle of everything, of all your career and this is my first Olympics. Then, there’s a chance na hindi pa matuloy,” ani Obiena.

Nagpasalam­at si Obiena sa Italian Olympic Committee na nangangala­ga sa kanila sa Formia.

“Their Olympic Committee is taking care of us too. As athlete, yung buhay natin umiikot sa sports pero sa panahon ngayon merun pang mas importanta­nteng bagay na umiikot sa sports,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines