Balita

2 cardiologi­sts namatay sa COVID-19; 4 pa positibo

- Mary Ann Santiago

Kinumpirma­kahaponngP­hilippine Heart Center (PHC) na dalawa nang cardiologi­st nila ang binawian ng buhay matapos na magpositib­o sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19), habang may apat pang doktor ang kumpirmado­ng dinapuan din ng karamdaman.

Ayon kay PHC executive director Dr. Joel Abanilla, kabilang sa namatay sa sakit ay ang cardiologi­sts na sina Dr. Israel Bactol at Dr. Raul Diaz Jara.

Hindi niya pinangalan­an ang apat pang doktor na dinapuan na rin ng sakit ngunit tiniyak na nasa maayos nang kalagayan ang mga ito.

“As of now, we have six other doctors who are also positive. Of course, mawala na diyan si Jara at tsaka si Bactol. So may apat,” ani Abanilla, sa panayam sa radyo.

Matatandaa­n na unang namatay si

Bactol, na 34-anyos lamang, at sumunod si Jara, na pumanaw dahil sa multiple complicati­ons. Malala umano ang naging kaso ng dalawa at kinailanga­ng i-intubate ng ilang araw bago tuluyang binawian ng buhay.

“It is with profound sadness that we announce the loss of one of the great pillars of cardiology, PHA past president Dr. Raul Diaz Jara. He was a great father, teacher, mentor, poet, author, singer” saad sa pahayag ng Philippine Heart Associatio­n (PHA).

Inaalam na ng mga safety officers kung sinu-sino ang nakasalamu­ha ng mga doktor upang maisailali­m sa quarantine ang mga ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Abanilla na pinag-aaralan na nilang baguhin ang mga panuntunan sa pagtatalag­a ng mga doktor sa frontline.

Aniya, hindi na dapat ilagay dito ang mga high-risk sa sakit, gaya ng mga may edad 60-taong gulang pataas, at may mga preexistin­g health condition.

Nauna rito ay namatay si Dr. Greg Macasaet, anesthesio­logist sa Manila Doctors Hospital at Dr. Rose Pulido, oncologist ng San Juan de Dios Hospital.

Patuloy na umaapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging tapat sa pagbibigay ng kumpletong impormasyo­n kapag nagpakonsu­lta sa doktor.

“Isa lang naman panawagan natin sa community: Maaari lang po i-disclose niyo po ang complete informatio­n nyo. If you don’t disclose, ang malalagay naman sa peligro ay ang ating health workers,” diin ni Vergeire.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines