Balita

30K seaman gusto nang umuwi

- Martin A. Sadongdong, Leonel Abasola , Mary Ann Santiago, Jun Fabon, at Bella Gamotea

Inihahanda ng Philippine Army (PA) ang mega drug rehabilita­tion center na matatagpua­n sa isang military base sa Palayan, Nueva Ecija bilang posibleng quarantine site para sa mga indibidwal na minimonito­r para sa COVID-19.

Sinabi nibArmy commanding general Lt. Gen. Gilbert Gapay na ang Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilita­tion Center (Mega DATRC) sa Fort Magsaysay ay handa para magsilbing quarantine facility para sa mga indibidwal na pinaghihin­alaang nahawaan ng COVID-19.

“So far dito sa Luzon, ang largest containmen­t is in Fort Magsaysay, that’s a drug rehab center na may 10,000 capacity. Isa ito sa naka-prepare in case this gets worse,” sinabi ni Gapay.

Mahigit 500 na

Umakyat na sa mahigit 500 ang naitatalan­g kaso ng mga pasyente sa Pilipinas na nagpositib­o sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, hanggang nitong Martes ng umaga, ay nakapagtal­a pa sila ng 39 bagong kumpirmado­ng kaso ng sakit.

Sanhi ito upang mula sa 462 nitong Lunes ng hapon, ay maging 501 na ang COVID-19 patients sa Pilipinas, o may patient ID number na PH463-PH501.

Samantala, nananatili namang nasa 33 ang bilang ng

Ang magandang balita aniya ay muling nadagdagan ng isa ang bilang ng gumaling mula sa COVID-19 na ngayon ay nasa 19 na.

Inaasahan ng DOH na lalo pang madaragdag­an ang bilang ng mga taong nakukumpir­mang positibo sa COVID19 dahil sa lumalawak testing sa patients under investigat­ion (PUIs).

30, 000 gustong umuwi Tinatayang 30,000 Pilipinong seaman ang nawalan ng trabaho dahil sa tigil operasyon ng global cruise companies bunsod ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Sa ngayon mabusising tinatalaka­y ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga hakbang sa planong pagpapauwi sa libu-libong Pinoy seafarers sa iba’t ibang bansa.

Pagkain ipamigay na

Nagbabala si Senator Imee Marcos sa posibiidad na sumiklab ang kaguluhan o karahasan sa Metro Manila kung hindi kaagad matutuguna­n ang kakulangan ng supply sa pagkain na ngayon ay unti-unting nararanasa­n sa mga pamilihan.

Sinabi niya na dapat na ipamigay nang libre ang tone-toneladang sakong bigas na nasa mga bodega ng National Food Authority kabilang na ang mga frozen assorted fish sa Bureau of Customs at mga COVID-19 test kits at face mask na nakatengga sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport para pakinabang­an ng mga taga Metro Manila.

“Wag nang patagalin yan! Gawin nating priority ang Metro Manila. Dapat i-distribute na ang mga bigas na ‘yan na nabuburo lang sa mga bodega ng NFA. Huwag na nating hintayin pang magutom ang mga kababayan natin na maaring pagsimulan ng kaguluhan,” pahayag ni Marcos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines