Balita

17 huli sa pagsasabon­g

- Light A. Nolasco

NUEVA ECIJA – Labingpito katao ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa ‘enhanced community quarantine’ at paglabag din sa anti-illegal gambling (cockfighti­ng) o ‘bularet’ matapos magsagawa ng raid sa Brgy. Dimasalang Sur, Talavera, Nueva Ecija at Bgy. Poblacion East, Rizal, Nueva Ecija noong Linggo ng hapon.

Sa bayan ng Talavera, 13 kalalalaki­han ang dinakip ng pulisya habang nasa akto ng ‘bularet’ operations matapos salakayin ang ng pulisya makaraang makatangga­p ng tip mula sa isang concerned citizen.

Dakong 4:50 ng Linggo ng hapon ang magsagawa ng raid sa lugar at isa-isang dinampot ang mga suspek sa kasagsagan ng ilegal na ‘bularet’.

Ang mga dinampot na mga suspek ay sina Jessie Estares, 34; Ricardo Padigdig, 35; Ricky Magtalapa, 34; Ricardo Magtalapa, 54; Raymong Magtalapa, 25; Ryan Magtalapa, 32; Ricardo Magtalapa, 54; Renzo Magtalapa, 23; Restituto Magtalapa, 52, Michael Duran, 24; Mark Jerome Ferry, 27; Larry Somera,48; Wilfredo Marcos Jr., 26 at Abert Magtalapa, 28, lahat pawang taga- Brgy. Dimasalang Sur, Talavera, Nueva Ecija.

Nasamsam ng pulisya mula sa mga suspek ang 6-fighting cocks; 14 na piraso ng tari; 2-talunang manok; 4-na cock gloves; at P2,000 bet money.

Sa pagsisiyas­at nina PSSgt. Gilbert

V. Dizon at PSSgt. Rannie Santos, may hawak ng kaso, huli sa akto ang mga suspek sa illegal bularet operations, kaya pinag-aaresto ang mga ito.

Samantala, apat na katao ang dinakip din sa katulad na illegal cockfighti­ng (tupada) sa Brgy. Poblacion East, Rizal, Nueva Ecija na sina Jonar Ramos, 34; Ronald Antolin, 41; Christophe­r Fernandez, 22; Alex Caguas, 37, lahat mula sa naturang barangay na nahulihan din ng mga illegal na gamit sa ‘tupada’.

Kasong pagbalag sa PD 1602 o anti-illegal gambling (cockfighti­ng)

ang isinampa sa Prosecutor’s 0ffice habang mga nakakulong sa istasyon ng pulisya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines