Balita

‘Bayanihan to Heal as One Act’ epektibo ng 3-buwan

- Nina HANNAH L. TORREGOZA at CHARISSA L. ATIENZA

Inaprubaha­n ng Congress nitong Martes ng umaga ang panukala na nagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng special powers para tugunan ang mabilis kumalat nq coronaviru­s disease (COVID-19) na humawa na sa mahigit 500 katao sa bansa.

Sa botong 12-0, inaprubaha­n ng mga senador ang Senate Bill No. 1418 – ang “Bayanihan to Heal as One Act of 2020” – sa special session na nagsimula nitong Lunes at nagtapos madaling araw kahapon.

Ang Senate Bill No. 1418, kapalit ng Senate Bill No. 1413, itinaguyod ni Senator Pia Cayetano. Ang panukala ay substituti­on ng Senate Bill No. 1413, na naunang inihain nina Senate President Vicente Sotto III atbCayetan­o.

Kaagad namang in-adopt ng House of Representa­tives ang bersiyo ng Senado ng “Bayanihan to Heal as One Act of 2020” bago magsara dakong 3:24 a.m.

Sa House adoption ng Senate version, hindi na kailangan pang magpatawag ng bicameral conference committee dahil wala nang kailangang pagtugmain.

Ang bill ay inaasahang kaagad na ipapadala sa Malacañang para sa paglalagda ni Pangulong Duterte.

State of emergency Inilalagay din ng Senate Bill 1418 ang buong bansa sa state of national emergency. Binibigyan din nito ang Pangulo ng special powers sa loob mg tatlong buwan, “unless extended by Congress.”

Kapwa ang SB 1418 at HB 6616 ay binibigyan ng awtoridad si Pangulong Dutere na “[to] reprogram, reallocate, and realign from savings on other items of appropriat­ions in the Fiscal Year 2020

GAA in the Executive Department, as may be necessary and beneficial to fund measures to address and respond to the COVID-19 emergency, including social ameliorati­on for affected communitie­s, and the recovery and the recovery of areas, sectors, and industries severely affected.”

Financial aid sa health workers Kabilang sa amendments ng Senate sa panukala ang tulingan ang health workers na nahawaan at mahahawaan ng COVID-19 at binibigyan ng financial assistance ang health workers na namatay sa sakit

Pinagkakal­ooban ng SB 1418 ng P1 million compensati­on ang public at private health workers, na namatay havang nilalabana­n ang COVID-19 pandemic. Ito ay retroactiv­e simula Pebrero 1, 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines