SEN. ‘KOKO’ NAGPOSITIB­O

Balita - - Front Page - Ni LEONEL M. ABASOLA

Nagpositib­o na rin sa kinatataku­tang coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III matapos na magpasuri nitong nakaraang Biyernes.

Si Pimentel ang ikalawang senador na nag-positive. Una nang nagpositib­o sa virus si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pimentel na nagpasya siyang magpaswab test nitong Biyernes matapos na makaranas ng mga sintomas ng virus.

“Since the last day of session March 11, 2020 I had already tried my best to limit my movement. I will call (to the best of my ability) those I remember meeting during those crucial days so that I can inform them of my test result. I have quarantine­d myself upon the doctor’s advice and consistent with the protocol. I feel I am, with God’s help, on the way to recovery,” ani Pimentel.

Humingi rin ito ng dasal at para rin sa kanyang asawang si Kath, na nakatadka namang manganak anumang araw mula ngayon. Nagpasamat din si Pimenrel sa mga “frontliner­s” na patuloy na nakikipagl­aban sa nasabing sakit.

“I also urge all of us to observe the social distancing, enhanced community quarantine measures, washing of hands and personal hygiene being implemente­d because they are the best strategies to beat this disease at this time. I have faith that together we can overcome these challengin­g times. Please take care. Thank you and may God bless the Philippine­s,” paliwanag nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.